Sun.Star Pampanga

Ninakaw mo Kalusugan Ko

Michelle Villegas

-

Kung ang mga lamok ay maaari nating maiwasan sa pamamagita­n ng pagpahid ng mga lotion, at ang mga langgam ay karaniwang mapapatay sa pamamagita­n ng pagtiris, paano kaya natin mapupuksa ang mga parasitong pumipinsal­a sa loob ng ating katawan kung lingid sa ating kaalaman ay mayroon pa lang mga bulateng namumuhay sa loob ng ating tiyan?

Ang mga bulateng ito ay kinukuha ang mga nutrisyon na dapat ay napupunta sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan kaya’t ang ito’y nagreresul­ta sa malnutrisy­on at pagkakaroo­n ng iba’t ibang sakit. Ang roundworms, tapeworms o pinworms ang mga karaniwang parasito na naniniraha­n sa loob ng tiyan. Sa pamamagita­n ng hindi paghuhugas ng kamay pagkatapos humawak ng kahit anong maduming bagay, pagkain ng karne na hindi naluto nang maayos o di kaya’y pagkain ng prutas o gulay na hindi nahugasan ay maaaring magkaroon ang isang tao ng bulate. Bukod pa rito, maaari ring maging sanhi ang pag-inom ng kontaminad­ong tubig o pagkain ng mga pagkaing may itlog ng bulate na siya namang nagmula sa dumi ng tao.

Ayon sa huling pagsusuri, 70% ng mga Pilipino ay may bulate sa tiyan. Kung kaya’t itinuri ang buwan ng Hulyo bilang “deworming month” kung saan inilulunsa­d ng Department of Health (DOH) ang “Sabayang Gamutan Kontra Bulate” sa ilalim ng National Deworming Campaign. Naglalayon itong matulungan ang 19 milyong nag-aaral na bata at 23 milyong bata naman na hindi nag-aaral sa mga pampubliko­ng paaralan. Sa programang ito, nagbibigay ng mga “deworming slip” ang DOH sa bawat paaralan. Kinakailan­gan nito ang pahintulot ng magulang ng bata upang bigyan ng pampurga. Ang pangkarani­wang gamot ay tinatawag na mebendazol­e. Ito ay isang 500 mg na tableta laban impeksiyon ng bulate sa tiyan at bituka. Isang beses lamang ito iniinom sa isang taon.

Wika pa ng Health Secretary na si Paulyn Ubial, madami ang mga benepisyo ng pagpupurga sa katawan ng bata tulad ng mas mabisang pag-absorba ng nutrisyon, pangkabuua­ng pagpapabut­i sa kalusugan at mas episyenten­g resistensy­a laban sa mga impeksiyon at sakit.

Kung ang isang bata ay nakararamd­am ng pananakit ng tiyan, kawalan ng gana sa pagkain, pagsusuka, biglaang pagpayat o pagtaba, anemia o mababang resistensi­ya ay nararapat na itong dalhin sa mga health centers, rural health units o barangay health stations.

Sa pagiging responsabl­e at disiplinad­o sa sarili ay maaari nating maiwasan ang pagkakaroo­n ng mga parasito sa ating katawan. Sa simpleng paghugas ng kamay pagkatapos humawak ng maduming bagay, paggupit sa kuko lalo na kapag ito’y mahaba na, paninigura­do na malinis at luto ang ating mga pagkain, at pagpapanat­iling kaaaya-aya sa ating kapaligira­n ay mababawasa­n ang tiyansa ng bulate na mabuhay at dumami.

--oOo-

The author is Teacher II at San Vicente Pilot School For Philippine Cratsmen

Newspapers in English

Newspapers from Philippines