Iba’t ibang Ikot ng Personalidad
Michelle Villegas
Dalawa o higit pang katauhan sa isang partikular na tao. Maari nga ba ito? Sa dami ng ating problemang pinagdadaanan, ang mga ito’y nagbibigay ng epekto sa ating mental na pag-iisip. Minsa’y ito’y nakatutulong upang mas lalo pang mapabuti ang ating pagkatao at minsan naman ay ito ay nagiging isa pang suliranin sa atin.
Ang Dissociative Identity Disorder ay tumutukoy sa pagkakaroon ng dalawa o higit pang katauhan. Ito in ay isang proseso na nagbubunga ng kakulangan sa koneksyon sa saloobin, ala-ala, damdamin, kilos o pagkakakilanlan ng isang tao. Ito’y dahil sa troma noong bata pa lamang (karaniwang matindi at ulit-ulit na pisikal, sexual o emosyonal na abuso).
Ang mga may taong may Dissociative Identity Disorder ay maaring magkaroon ng maraming problema, kabilang ang mga iba’t ibang sintomas. Gaya ng depresyyon, pagbabago-bago ng lagay ng loob, problema sa pagtulog (insomnya o paglakad habang natutulog), pagka-balisa, panic attacks, takot (pag-alala ng masamang nakaraan), pag-abuso ng drugs at alkohol, problema sa pag-kain at ang huli ang pagtangka sa sarili.
Paano nga ba ito makaka-apekto sa paraan kung paano nararanasan ng isang tao ang buhay? Ang depersonalization, kung saan ang saloobin at damdamin ay tila ba hindi totoo o hindi nabibilang sa sarili kung saan nawawala lahat ng pagkakakilanlan sa isang katauhan. Derealization, tila ba ang mundo ay imahinasyon lamang, nagmumukhang malabo o malayong malayo. Amnesya, pagkawala ng mga ala-ala o kabiguan sa pag-tanda ng mga karanasan sa buhay.
Ang D.I.D ay may malaking pagkakaiba sa Ekisoprenya. Ang Ekisoperanya ay tumutukoy sa taong naririnig o nakakakita ng mga hindi kapani-paniwalang karanasan o naniniwala sa mga bagay na walang katotohanan.
Habang wala pang lunas sa Dissociative Identity Disorder, ang pangmatagalang lunas ay makatutulong. Kabilang din dito ang “Talk teraphy o psychoteraphy, hypnoteraphy, at adjuntive teraphies tulad ng art and movement teraphy”.
Marahil sa dami ng ating pinagdadaanan ay nakakaramdam tayo ng malubhang takot at lungkot, hindi pa rin natin dapat pabayaan ang ating sarili sapagkat ang ating pag-iisip ay isa mga mga mahahalagang sangay ng ating buhay. Ang pagiging bukas sa ibang tao ay makatutulong upang maipahayag ang ating damdamin. Ito’y hindi maiiwasan lalo na kung na-troma ang isang tao ngunit nararapat na bumangon muli at harapin ang agos ng buhay.
--oOo-
The author is Teacher II at San Vicente Pilot School For Philippine Cratsmen