Sun.Star Pampanga

BalikBOLA sa Panahong Nagdaan

Ma. Eleonore S. Paguiligan

-

Sa mundo ng pampalakas­an, hindi hamak na mas naka-aangat ang kumpleto sa kagamitan. Hindi hamak na mas garantiya ang improvemen­t at mas gaganahan ang mga atleta na mag-ensayo sa kumpletong tools and equipment at akmang pasilidad sa pag–eensayo tulad na lamang ng mga pribadong paaralan na mayroon ng mga ito.

Problemang dapat bigyang pansin.

Malaking problema ng mga pampubliko­ng paaralan ang kakulangan sa mga pasilidad na siyang tututok sa kalinangan ng mga kabataan pagdating sa isports o larangan ng pampalakas­an. Ito ang problemang kinakahara­p ng mga atleta sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iba partikular sa mga manlalaro ng Volleyball Girls. Problema din ang kawalan ng pormal na ensayo kung kaya’t wala lagi sa kundisyon at underdog sa mga laban na kanilang sinasaliha­n.

Dedikasyon, tiyaga at pagtitiwal­a sa proseso.

Sa kabila ng mga dagok, kailanma’y hindi ninais ng mga mag-aaral na ito ang manatili sa posisyong nagkakasya sa kung ano lamang ang kakayahang taglay nila. Determinas­yon ang ipinakita upang makamit ang pagbabago at pagtaas ng antas ng kanilang mga kakayahan.

Bunga ng pagsisiska­p.

Makalipas ang ilang mga taon, naging tanaw na ang mga progresong pinagpagur­an ng mga atleta. Mula sa mga pwestong dumudulo ay nagagawang makatunton­g sa top 3 ng Volleyball Girls ng Iba National High School. Nito lamang nakaraang Amboy’s Cup ay kanilang matagumpay na naisakatup­aran ang bronze podium finish sa naturang kumpetisyo­n.

Panibagong dagok.

Kung kailan umaarangka­da saka gagawa ang panahon ng unos upang pigilan ito. Sa katatapos lamang na tagumpay, makalipas ang ilang buwan umugong ang isang virus kung saan naging malaki ang epekto sa normal na pamumuhay ng bawat isa. Ipinagbawa­l ang anumang pisikal ng interaksyo­n kung kaya’t ang mga pag-eensayo ay itinigil alinsunod sa utos ng mataas na pamahalaan. Dahil dito, malaki ang epekto sa mga atleta pagdating sa kondisyon ng mga ito.

Hindi natin batid ang kasiguradu­han sa lahat ng panahon. Tulad ng pamdemyang ito na bumago sa nakasanaya­n nating pamumuhay, malaki ang naging dulot nito lalo’t higit sa mga atletang matataas ang determinas­yon na magwagi at lumakas. Sa mga atletang ngayon pa lamang nagsisimul­ang mapatunaya­n ang kanilang mga kakayahan sa maraming tao. Sa kabila ng kakulangan sa mga gamit at pasilidad ay nagawa nilang magpatuloy at linangin ang mga kakayahan nila dahil sa mga pangarap na nais makamit. Binasag ang mga sumpang gumigipit sa kanila sa matagal na panahon. Pumuwesto bilang patunay na ito ang bunga ng proseso.

--oOo-

The author is Teacher III at Iba National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines