Mararanasan pa bang makapaglaro?
Ma. Eleonore Santos Paguiligan
Bawat mag aaral ay may kanya kanyang isports na kinahuhumalingan. Maaaring ang iba ay nais ang maraming pisikal na laro, ang iba ay sa strategy game, team games o ibang laro na mas ginagamitan ng isip tulad ng chess. Subalit, indi lahat ng mag aaral ay talagang mahal ang isports. Karamihan ay pampalipas oras lamang o masasabing hindi nila mas prayoridad ang pag excel sa larangan ng palakasan. Gayunpaman, nais nilang maipakita sa loon ng paaralan ang kanilang angking galing sa mga isports na hilig nila, ito ay sa pamamagitan ng mga Intramurals.
Taon-taon ay inaabangan ng bawat mag-aaral ang panahon na ito. Siguro lahat ay sabik na na maipamalas ang kanilang mha husay at galing sa mga larong hilig nila. Malaking bagay ang intramurals uoang mabalanse ang pag-aaral at sa mga bagay o laro na nais nila. Ito rin ay maganda sa kalusugan ng isang indibidwal. Sa intramurals ay nagkakaroon ang bawat isa na alamin ang kahinaan at kalakasan nila pagdating sa ibang bagay particular sa isports. Dahil din dito, ay nalilinang ang mga abilidad nila na makihalubilo sa ibang mga kamag-aral nila.
Subalit, paano na ang Intramurals ngayon sa panahon ng Pandemya?
Marahil malungkot para sa mga batang sabik na maipamalas ang kanilang husay sa iba-ibang larangan ng pampalakasan ang panahon na ito. Kung saan sa panahong ito, hindi maaaring magkaroon ng pagtitipn ng maramiung tao lalo’t higit ang magdikit o anumang uri ng pagkakaron ng contact sa isa’t isa dahil sa pandemyal umiiral. Malungkot ang panahong ito hindi klamang patungkol sa isports o Intramurals kundi sa lahat ng tao sa pagbabagong dulot ng pandemyamg ito.
--oOo-
The author is MAPEH Teacher III at Iba National High School