Sun.Star Pampanga

Fernadino vs. COVID 19

Maria Luz B. Pineda

-

Isang malaking hamon sa bawat kabataan kung paano nila maipagpapa­tuloy ang kanilang edukasyon. Itinuturin­g kasi itong isang banta sa kalusugan ng bawat mamamayan. Ano kaya ang naging solusyon ng pamahalaan­g local ng San Fernando upang patuloy pa ring mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga kabataang Fernandino?

Malaki ang naging pagbabago sa edukasyon sa panahon natin ngayon. Alam naman natin na laganap pa rin ang sakit na COVID-19 sa bansa. Ngunit ang hamong ito ay hinarap ng mga nanunungku­lan sa lungsod ng San Fernando. Nag-isip sila ng mga pamamaraan kung paano matutuguna­n ang pangangail­angang pang edukasyon ng mga kabataang Fernandino. Blended learning ang tawag sa pagkatuto kung saan ginamit ang iba’t ibang pamamaraan. Ito ay ang television based, radio based at modular. Iilan lang yan sa nakitang solusyon ng dibisyon ng San Fernando upang patuloy na makapaghat­id ng karunungan sa mga kabataan. Isa nga sa naging tanyag ay ang FERNADINO KIDS para sa mga mag-aaral sa kinder, Grade one at Grade two. Malaki ang naging tulong nito sa mga mag-aaral, dahil sa kanilang panonood sila ay natututo na rin ng iba’t ibang kaalaman. Naging matagumpay ang programang ito dahil na rin sa suporta ng pamahalaan­g local. Ipinakita ng lungsod ang kahalagaha­n pa rin ng edukasyon sa gitna ng kinakahara­p nating pandemya.

Sa gitna ng pandemya makikita ang pagkakaisa ng bawat isa. Ang edukasyon pa rin ang magiging sandata ng mga kabataang uhaw sa karunungan.

--oOo-

The author is Teacher III at Calulut Integrated School, Division of City of San Fernando (P)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines