Sun.Star Pampanga

Kasaysayan sa likod ng undas

-

Taon taon tuwing sasapit ang Todos los Santos napupuno ng tao ang mga sementeryo. Hindi ito nangyari nitong taon dahil sa pandemya. Huling Linggo pa lang ng Oktubre ay sarado na ang mga sementeryo sa buong kapuluan. Nakagisnan natin na tuwing sasapit ang unang araw ng Nobyembre magsisindi ng kandila, mag-aalay ng bulaklak at uusal ng dasal para ating mahal sa buhay na namayapa na.

Ano ba ang nasa likod nitong tradisyon? Para sa mga millenials ay ibabahagi ko itong kokonti kung kaalaman. Ito ay dala ng mga Kastila ng sakupin ang Pilipinas na nag-umpisa ng dumaong ang limang galleon na sakay si Ferdinand Magellan at ang kaniyang tropa. Hindi ba natatandaa­n natin ang turo sa atin noong tayo'y nasa elementary­a pa na nagkaroon ng kauna-unahang misa sa isla ng Limasawa?

Sa loob ng mahigit na 300 taon pananakop nila sa ating bansa, ang halos lahat ng kaugulian sa Espanya ay binahagi sa atin. Ang piyesta, flores de Mayo, pasko at undas at iba pa ay naging bahagi na ng ating kultura. At alam ba ninyo bago pa mandin nakadaong si Magellan sa Pilipinas, ang Todos Los Santos ay ipinadiriw­ang na sa maraming bansa Europa? Sa Britanya, ang mga Greko at ang mga unang Kristiano noong siglo

731.

Noon pa man pala ang paggunita sa mga santo at mga yumao ay ginanap sa maraming bansa sa kanluran tuwing Mayo 13, bukod sa bansang Ireland na ang Todos Los Santos nila ay sumasapit tuwing Abril 20. Binago lang at inilipat ng Papa sa Roma na si Papa Gregorio III sa pagitan ng taong 731-741AD.

Nitong makabagong panahong ito, sa bansang Pilipinas ang mga Katoliko lalo ay bumibisita sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay, nagdadala ng mga bulaklak at nagtitirik ng kandila bilang paggunita. May mga nagpapadas­al at may nagpapaben­disyon sa mga pare. Subali't mayroon din naman na nagpupunta sa sementeryo para magsaya. May namamadyon­g, nag-totongits, nagpipikni­k at may videoke pa ngang dala ang ilan. Hindi na pwede ang mga ito ngayon. Ipinagbawa­l na.

Ang sagradong paggunita nitong Todos Los Santos ay sukat hindi nahahaluan ng mga ganyan. Nagiging re-union pa rin ng mga magkakamag­anak. Naging pagkakatao­n pa rin na ang mga magkakaibi­gan na matagal ng hindi nagkita ay parang okasyon ng pagsasaya. Isang pang pag-uugali na kailangang na tanggalin sa atin ay yaong pagkatapos ng selebrasyo­n ng undas ay ang kalat na iiwan ng mga kababayan. Lilinisin kunwari ilang araw bago dumating ang araw ng undas, at pagkatapos ng paggunita makikita mo ang mga sementeryo ay animo'y smokey mountain. Kailan pa kaya tayo magbabago ng ugali?

Kung minsan mapapakamo­t na lang ulo, at tuloy kung itong ugali ng mga ilang tindera sa atin ay ginagawa sa ilang bansa. Na tuwing sasapit ang undas ay bigla at sobra ang taas ng mga presyo ng mga bulaklak at kandila. Ok lang san kung halimbawa ay tataas ng mga sampu hanggang beinte porsyento. Peo Diyos por Santo. Mahigit na dalawang daan porsyento ang taas. Pagsasaman­tala sa publiko. Hindi makatao at lalo ng hindi maka-Diyos.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines