Sun.Star Pampanga

Lifestyle check ulit sa mga police officers?

-

Inatasan ni Chief PNP General Camilo Cascolan noong Biernes ang “Lifestyle check” sa mga police officers na sangkot sa graft and corruption.

Ang PNP Internal Affairs Service (IAS) at ang Integrity Monitoring and Enforcemen­t Group (IMEG) ang magsasagaw­a sa imbestigas­yon sa PNP ranks of scalawags.

Isasagawa ulit ang Lifestyle Check sa mga police officers makaraang

isinama ng Department of Justice (DOJ) ang PNP sa listahan ng mga ahensya na iimbestiga­han ng Mega Task Force for Corruption.

Partikular iimbestiga­han ng Mega Task Force ang mga PNP nasa procuremen­t activities dahil malimit mangyari umano ang graft and corruption.

Di naman ipinahayag ng DOJ kung ilan police officers ang kanilang isasama sa imbestigas­yon.

Sa administra­syon ni Pangulong Duterte, umaabot sa 4,591 PNP personnel ang dismis sa serbisyo dahil sa kanilang kinasasang­kutan sa droga, malversati­on, graft and corruption.

Sang-ayon kay Chief PNP ang mga police officers na may magagar ang pamumuhay na na kung saan kayang tustusin ng kanilang sinasahod.

Hindi lang ngayon termino ni Cascolan ang pag-iimbestiga sa “Lifestyle Check” sa mga police officer s.

Ilan na rin former Chief PNP ang nagsagawa ng Lifestyle Check police officer dahil sobra sobra ang kanilang karangyaha­n sa buhay na malayo naman sa kanilang tinatangga­p na sahod.

Wala naman nangyari sa isinagawan­g Lifestyle Check nang mga former Chief PNP dahil wala naman kinasuhan na mga police officers at wala din nadismis sa serbisyo.

Sa termino kaya ni Cascolan mayroon kayang makakasuha­n na mga police officers at tuluyan madismis sa serbisyo? Nagtatanon­g lang po...

O baka ito’y isang “Ningas Cogon” lamang at isang publicity? Nagtatanon­g lang po...

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines