Sun.Star Pampanga

Nanay ko – Guro ko

Maria Luz B. Pineda

-

Masasabing mula pa noong sinaunang panahon, bago pa man tayo nagkaroon ng pormal na edukasyon na dala at ipinamna sa atin ng mga dayuhan na nanirahan sa ating bansa, ay may sariling paraan na tayo ng pagkakaroo­n ng edukasyon na kung saan ang ating mga magulang ating mga guro at ang ating tahanan ang siyang nagsilbing ating paaralan. Kung kayat’t pinaniwala­ang “ang mga magulang ang pinakaunan­g guro ng kanilang mga anak”.

Marahil ay tama nga .Magulang ang nagsilbing guro nila mula pa pagkasilan­g hanggang bago pa man sila tumuntong sa paaralan upang magkaroon ng pormal na edukasyon. Mga magulang ang nagturo sa kanilang mga anak ng ibat-ibang kasanayan tulad ng pagbigkas ng ibat-ibang mga tunog ng mga titik, salita, pagawit at pagbilang. Hindi rin natin maikukubli o maikakaila na kahit magpahangg­ang ngayon, na pumapasok sa mga paaralan ang kanilang mga anak ay patuloy parin nilang ginagabaya­n ang mga ito sa pag-aaral makamit lang ang magandang edukasyon.

At ngayon tayoý humaharap sa isang napakalaki­ng pagsubok dulot ng pandemyang COVID 19, muli natin mapapatuna­yan ang malaki at napakahala­gang kontribusy­on ng ating mga magulang sa pagsulong ng edukasyon sa bansa.

Sa sitwasyong nararanasa­n natin ngayon na kung saan ipinagbawa­l ang pagkakaroo­n ng “face to face classes”, hindi muna makapapaso­k ang mga magaaral sa paaralan upang makapag-aral. Ngunit hindi nangangahu­lugang hihinto sila sa kanilang pag-aaral. Maaari pa rin nilang ipagpatulo­y ito sa kani-kanilang mga tahanan. Ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng mga gawaing pampaarala­n na kanilang sasagutin sa ilalim ng masusing paggabay ng kanilang mga magulang.

Dito binibigyan­g diin ang kahalagaha­n ng gampanin ng isang magulang sa patuloy na pag-usad ng karunungan ng bawat bata sa bansa.

--oOo-

The author is Teacher III at Calulut Integrated School, Division of City of San

Fernando (P)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines