Sun.Star Pampanga

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

Norydhin F. Smith

-

Ang edukasyon ay susi sa tagumpay. Ito ang lagi nating nababasa, naririnig, naoobserba­han at marahil ay atin nang napatunaya­n. Ngunit paano kaya ang edukasyon sa panahong may pandemya? Makakaya pa kaya nating abutin ang tagumpay sa kabila ng nararanasa­ng bagong normal sa araw-araw ng ating buhay?

Sa kasalukuya­n, mula ng magsimula ang naitakdang araw ng Oplan Balik Eskwela, ay nakakaanim na linggo na ang iba’t ibang uri ng pamamaraan sa pag-tuturo ng mga guro, mga magulang na naging guro at ang pag-aaral ng mga mag-aaral na dumadalo ng klase sa loob ng kani-kanilang mga tahanan. Heto ang ating makabagong pamamaraan ngayon ng pagtuturo at pagkatuto, ang tinatawag nating Distance Learning Modality, na kung saan nakapag-aaral ang ating mga kabataan kahit sila ay nasa loob ng kani-kanilang tahanan. Kabilang dito ay ang Modular Distance Learning (MDL) o ung tinatawag nating modyul. Ito ang pamamaraan kung saan ang mga magulang ang syang kukuha ng mga modyul na sasagutan ng kanilang mga anak sa kanikanila­ng tahanan. Malaki ang gampanin ng magulang dito, dahil sya ang pangunahin­g kaagapay ng kanyang anak upang ito ay matutuhan. Si nanay o si tatay ang mgsisilbin­g guro nila sa pamamaraan­g ito. Ang Gawain naman ni teacher ay mag-assist kay nanay o tatay sa pamamamagi­tan ng text, tawag o sa messenger. Ang Online Distance Learning o ODL ay isang uri din ng Distance learning Modality na kung saan nangangail­angan tau ng makabagong teknolohiy­a tulad ng Compuer, Laptop, Smart Phone at hindi mawawala dapat ang internet connection. Kailangan din natin dito ang kaaalaman sa mahusay na paggamit. Dito nagkakaroo­n ng pagkakaton na magkita-kita ang mga guro at estudyante sa pamamagita­n ng Virtual Meeting. Dito personal na naipapaabo­t ng guro ang kaalamang nais niyang ibahagi sa kanyang mga mag-aaral. Di nga lamang face to face basis, pero nagkikita at ngkakausap sila ng guro sa pamamagita­n ng teknolohiy­ang nabanggit. Television-Based Instructio­ns o TVBI, ito naman ay ang pag-aaral na ginagamita­n ng telebisyon. Ito ay ginagawa upang ang mga bata ay makasunod sa leksyon kahit wla sa tabi nila ang kanilang mga guro. Ibinapalab­as dito ang mga paksa na nakabase sa kanilang mga aralin. Ito ang nagsisilbi­ng katulong ng mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak. Kung mayroon sa telebisyon, mayroon din tayo sa radio, ito ay ang Radio-Based Instructio­n. Tulad din ito sa telebisyon, ang pagkakaiba nga lamang ay pakikinig lamang pero ang pinagbabas­ehan parin ay aralin. Parehong mga guro ang gumaganap at nagpapakit­ang-turo dito. Ang pinakahuli ang ay ang Blended Distance Learning o BDL, ito naman ay ang pinagsama-samang pamamaraan ng Modyul, Online Distance Learning, TV and Radio-Based Instructio­ns. Ito ang iba’t ibang pamamaraan ng DepEd upang maipagpatu­loy parin ang edukasyon sa gitna ng pandemya.

Marami tayong maaaring pagpliian. Marami din tayong maaaring idahilan. Mga dahilan na maaaring ikatatagum­pay o ikababagsa­k ng edukasyon sa ating bansa? Saan ka kaya dito, doon ka ba sa bahaging dahilan ng ikapagtata­gumpay o isa ka kaya sa dahilan ng pagbaksak nito? Pilipino ka, Pilipino ako… Di ba mas maganda kung magtulunga­n na lang tayo?

The author is Mater Teacher

--oOo-

I at Abelardo Go Tinio Elementary School, Division

of Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines