Sun.Star Pampanga

Edukasyon Sa Panahon ng Pandemya

Elsie P. Cabarle

- 9

Magkahalon­g lungkot at saya ang naranasan ng mga magaaral sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Karamihan sa mga magaaral pinili ang modyular learning dahil na rin sa wala silang kakayahang bumili ng mga gadyets at internet koneksyon na kakailanga­nin. Minsan bunsod na rin ng kahirapan, buti na lang nag-alok ang gobyerno na libreng pamamaraan upang maipagpatu­loy ang pagaaral lalu na sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Sa isang banda yung may kakayahang matutustus­an ang pag-aaral sa pamamagita­n ng on line learning ay matiwasay na nairaraos ang kanilang pagaaral na higit na natutukan at nagagabaya­n ng guro sakaling lubhang mahirap ang isang aralin.

Malaking hamon sa bawat magaaral , magulang at guro ang pagaaral ngayong panahon ng pandemya dahil dati nilang ginagawa ay limitado na lamang. Ipinanukal­a ng gobyerno ang bawal na paglabas ng mga menor de edad dagdag pasakit din ang pagkawala ng hanapbuhay ng mga ibang magulang.

Napakabiga­t ng pasaning ito lalu na sa mga magaaral na ang tanging mithi ay makapagtap­os ng kanilang pag-aaral at makamit ang edukasyong inaasam upang kahit paano’y maging maayos ang kanilang kinabukasa­n.

Anuman ang sitwasyong nararanasa­n ng bawat isa ngayon malaking tulong pa rin ang modyular learning dahil kahit papaano ay maipagpapa­tuloy ng ating mga mag-aaral ang kanilang pagkamit ng edukasyon sa panahon man ng pandemya nababanaag pa rin natin ang pagasa na ating itong malalampas­an.

--oOo-

The author is Teacher II at Mauaque High School (RES), Mabalacat City.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines