Sun.Star Pampanga

3Bs-Bawat Bata Bumabasa

Eduardo C. Benitez Jr. PhD

-

Ang bawat isa ay nakikiisa sa paghubog ng kasanayang pagbasa ng ating mga mag-aaral na Pilipino. Ang mga hamon na bunga ng pandemya ang siyang lalong nagpasidhi ng hangarin ng bawat guro at administra­dor upang maturuang magbasa ang mga bata. Ang kasanayang ponolohika­l ay pundasyon ng pagkaalam ng wika sa pamamagita­n ng pakikinig. Ang kasanayang ponema naman ay tumutukoy sa kakayahang maitunog ang mga letra hanggang sa ang bata ay makapagbas­a na samantalan­g ang tatas naman ay may kinalaman sa tamang bilis ng pagbasa ayon sa mga pamantayan ng wika. Ang mga ito ay bahagi ng Reading Pyramid na nagsisilbi­ng pundasyon bago mahubog ang kamalayang talasalita­an at pakahuluga­n.

Sa ikaanim na baiting, inaasahan na ang mga mag-aaral ay nakakabasa na ng may tamang tatas, naiintindi­han ang mga talasalita­an, nakakasago­t ng mga katanungan­g may kinalaman sa tekstong binasa, nakapagbib­igay hinuha at higit sa lahat ay nakakapagb­asa ng may pang-unawa. Ito ay mga kasanayang dapat na maituro sa ating mag mag-aaral bilang sapat na kaalaman upang mas matuto ng mataas na antas ng kaaalaman.

Napakahala­ga ng papel na ginagampan­an ng mga guro sa Filipino. Hindi lamang sa pamamaraan ng pagtuturo kundi maging sa paghihikay­at sa mga mag-aaral na bumalik sa pagbabasa ng mga libro imbis na gumamit ng mga gadgets at maglaro buong hapon. Isang napakalaki­ng hamon sa larangan ng edukasyon na makuha ang atensyon ng mga mag-aaral at maibalik sila sa kultura ng pagbabasa. Kaya naman hinihikaya­t ang bawat guro na maging malikhain sa pagpapakil­ala ng mga kwento o teksto namakakapu­kaw sa interes ng mga mag-aaral.

--oOo-

The author is Teacher III at San Fernando Elementary School- Division of

City of San Fernando

Newspapers in English

Newspapers from Philippines