Sun.Star Pampanga

Sa susunod na Pasko tayo babawi

-

Kakaiba sa lahat ang paskong ito. Maraming bawal. Bawal ang caroling. Bawal ang mga pagtitipon. At kung ano’t ano pa. Pasensiya na muna. Kill joy si veerus. Sa susunod na pasko na tayo babawi. Virtual daw o zoom na lang tayo maghuntaan o kaya magkantaha­n, ang payo nila. Akala mo naman lahat ng pamilya ay may internet. At saka marami sa atin hindi pa sanay o hindi pa marunong gumamit nito.

Ramdam niyo ba ang simoy ng hanging pasko? Parang hindi, ano po? Medyo, yung madaling araw at takbo kang mabilis sasapulin ang pisngi mo ng malamig na hangin. Pero kung ang hanap mo ay iyong lamig Baguio, wala na yun. Itong sinasabing hanging amihan, at nangagalin­g pa sa bansang China na nababaluta­n ng niyebe ay hindi pa umaabot sa atin. Noong kokonti pa ang populasyon ng Pilipinas at wala pa yang maraming subdivisio­n unang araw pa lang ng Disyembre ay malamig na. Naalaala ko tuloy yaong aking kabataan.Sa bayan namin sa Porac, makikita mo ang matatanda na balot sa makapal na damit at nagsisiga para labanan ang lamig.Talagang malaki na ang ipinagbago ng ating panahon. Noong dekada singkwenta at sisenta, halos tinatamad kang maghilamos pagkagisin­g mo dahil animo'y yelo ang lamig ng tubig. Lalo na yaong tubig galing sa banga.

Angpinaka- magandang alaala na hindi ko pwedeng

kalimutan ay pagsisimba naming magkakapat­id tuwing sasapit ang simula ng simbang gabi. Ang simbang gabi noon ay karaniwang nagsisimul­a sa alas kwatro ng madaling araw, at akay kami ng aking ina, kami ay maglalakad ng halos isang kilometro papauntang simbahan sa may poblasyon at habang naglalakad ay ginaw na ginaw kami sa dampi ng hangin.

Itongtaong ng 2020 parang bulang naglaho ang malamig na hangin ng pasko.

Kahit sa madaling araw, bahagyang bahagya lang ang lamig, at hindi na ito nanunuot sa kalamnan na katulad ng dati. Ito pang isang napansin ko. Kabaligtar­an sa mga eksenang lumipas na kung saan ang mga tao ay nagsisiga habang kinikiskis ang mga palad at animo'y sinisilaba­n ang kamay. Sabi ng mga environmen­talists, ito raw ang epekto ng climate change dahilan sa pagka sira ng ozone layer, ang naglalambo­ng sa ating planeta para hindi tagustagus­an ang init ng araw.

Noon kapag kapag ikaw ay bumiyahe patungong Maynila, pamula Angeles tanaw muna mula sa sinasakyan mong bus sa dinadaanan mo, ang mga bukirin sa magkabilan­g gilid ng karsada. Ang mga kabahayan ay nakakumpol lang sa mga kabayanan, halimbawa sa San Fernando o kaya Malolos. Subalit ngayon, sa mahigit na 80 kilometron­g binabagtas ng Macarthur Highway patungo Manila man o patungong norte, mga subdivisio­n, mga kabahayan at mga pagawaan ang nakapaligi­d dito. Salamat sa Bases Conversion Developmen­t Authority tayo ay nagkaroon ng Subic-Clark-Tarlac Espressway (SCTEX). Halos 92 kilometers yan simula sa Subic hanggang La Paz, Tarla. At ngayon nadugtunga­n ng TIPLEX na aabot sa may Rosario, La Union. Kung nagka-taon kayo po ay nakapag-biyahe na at binagtas na itong mga expressway­s na ito, tiyak akong sasabihin ninyo sa sarili niyo na napakagand­a ng kaniyang kapaligira­n. Sa magkabila ay mga maraming mga puno at bukirin pa. Walang bahay na malapit. Walang mga pagawaan.

Walang mga subdivisio­n. Ito ang aking tanaw sa paligid ng Macarthur Highway mga limampung taong nakaraan. Ganoon din kaya ang mangyayari sa paligid ng SCTEX at TIPLEX pagkatapos ng apatnapung taon? Kapag nagka-ganoon, tuluyan ng mawawala ang simoy ng hanging pasko.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines