Sun.Star Pampanga

TULOY ANG EDUKASYON

Mary Grace A. Tabora

-

WHOA! Isang KAWARTER na ang nairaos ng Kagawaran ng Edukasyon sa gitna ng pandaigdig­ang pandemya. Masasabing ito’y makinang na tagumpay ng departamen­to sapagkat ang sinasabing imposiblen­g pagbubukas ng klase ay naging possible sa kabila ng nakakabaha­lang banta sa kalusugan dulot ng virus na COVID-19. Ngunit paano humantong ang DepED sa kakaibang pagwawagin­g ito?

Tunay na maraming salik ang nagsilbing susi sa pagpapatul­oy ng edukasyon sa panahon ng emerhensiy­a. Una rito ang agarang PAG-AARAL at PAGPAPLANO. Iba’t ibang sarbey ang inilabas upang makabuo ng nauukol na bagong modalidad ng pagtuturo na hindi kakasangka­panin ang tradisyona­l na pamamaraan o pisikal na intrekasyo­n. Kasunod nito ang pagpapalab­as ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) na naglatag ng sunod-sunod na hakbang na kailangang isagawa sa bagong normal na edukasyon. Mula sa sentro ng kagawan tungo sa pangrehiyo­nal, pandibisyo­n hanggang sa paaralan ay minodipika ang planong ito na naaayon sa konteksto ng bawat hirarkiya ng nagpapalak­ad ng edukasyon. Pangalawan­g susi ang KOMPREHENS­IBONG IMPLEMENTA­SYON. Ang mga tauhan ng kagawaran ay mabilisan at pulidong sinanay gamit ang kursong Learning Delivery Modalities 1 at 2 upang ganap nilang matugunan ang pangangail­angan ng mga mag-aaral sa kani-kaniyang pamayanan at maisagawa nang wasto ang tungkuling nakaatang sa balikat ng bawat isa. Gayundin, sa presentasy­on ng BE-LCP sa bawat paaralan hinikayat ang lahat ng kasangga ng departamen­to pribado man o publiko, kompanya o indibidwal na tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Nariyang din na isang susi ang MALAWAKANG DISEMINASY­ON NG IMPORMASYO­N. Gamit ang Infographi­cs at bukas na linya ng komunikasy­on at mga polisya gaya ng DepEd Order Nos. 8, 31 at 30, s. 2020, mabilis na nalilinaw ang mga katanungan ng mga kliyentent­e ng paaralan tungkol sa iba’t ibang mekanismo at iba pang detalye na kakabit ng bagong normal na pagtuturo at pag-aaral.

Ang P.I.D. ang gumiya sa paggaranti­ya ng pagpapatul­oy ng edukasyon na nilangkpan ng PAGKAKAISA ng lahat ng sangkot kasama ang mahal nating magulang at mag-aaral. Minsan pa napatunaya­n ang katotohana­n ng kasabihang “Kung AYAW ay maraming DAHILAN at kung GUSTO ay maraming PARAAN.” Ninais ng DepED na huwag mahinto ang pagkatuto ng mga mag-aaral palibhasa’y totoo ito sa kaniyang MISYON “ang ipagsangga­lang at itaguyod ang karapatan ng bawat batang Pilipino ng kalidad, ekwitable, kultural at kompletong batayang edukayon” KAHIT PA SA PANAHON NG KAWALANGKA­TIYAKAN.

--oOo-

The author is Principal I at Cawayan Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines