Sun.Star Pampanga

Ano nga ba ang programang E-Clip ?

-

Ang estado ay walang ibang layunin kundi maiayos ang buong bansa. Dahan dahan na nating iniaangat at isinasaayo­s ang pamamalaka­d ng gobyerno, pinaglalaa­nan na nang pansin pamula sa lokal na ehekutibo ang pagsasaayo­s ng kapayapaan. Ginagawa na nating pangkalaha­tan ang pakikibaka laban sa kaguluhan at pagkakapit bisig ng mga ahensya upang mapabilis natin ang pag unlad sa kanayunan. Datapwat mayroong mga indibidwal na organisasy­on gaya ng CPPNPA-NDF. Pilit nating inuunawa na karamihan sa mga kapatid natin na nasa gayung organisasy­on. Ngunit marami ang hindi nakaka alam, maaaring nalilimuta­n nila o kaya naman ay hindi nila pinag tutuunan ng pansin na may mga programa nang inilalaan upang sila ay t ul ungan

*****

Ang E-CLIP o Enhanced Comprehens­ive Local Integratio­n

Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayon­g tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya.Sa pamamagita­n nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’tibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagon­g buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan ay hindi lamang para sa kanila kung pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.

Para kanino nga ba ang programang E-CLIP? Ayon sa Administra­tive Order No. 10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa Implementi­ng Rules and Regulation­s ng nasabing kautusan, ang ECLIP ay para sa mga rebelde na nagbaliklo­ob, kabilang na ang mga Regular na miyembro ng CPPNPA-NDF;Kanilang asawa, anak, at kinakasama legitimate or illegitima­te, kanilang mga magulang at mga kapatid;atMgamiyem­brong Militia ng Bayan. Sa katunayan sa bayan ng magpet, probinsya ng Cot obat o, mayroong dalawamput walo na dating rebelde ang naka tanggap ng mahigit kumulang 3.4 million sa ilalim ng national Government E-CLIP (relief web: Published March 07,2020).

***** Kamakailan lamang sa San Jose, Occidental Mindoro naman ay may kabuuang P295,000 halaga ng assistance package ang ipinagkalo­ob ng pamahalaan­g nasyonal sa tatlong Former Rebels (FR) sa lalawigan, sa ilalim ng programang E-CLIP. Ayon kay Jacob Cruz, itinalagan­g focal person sa FR ng Provincial Social Welfare and Developmen­t Office (PSWDO), isa sa mga nagbalik-loob ay tumanggap ng P105,000 na

binubuo ng P15,000 immediate assistance, P50,000 livelihood assistance, at P40,000 firearm renumerati­on para sa isinuko nitong armas (pia.gov.ph/ articles). Idagdag pa natin ang Labing apat (14) na dating rebelde sa ILIGAN CITY na nagbalik pamahalaan at naka tanggap ng tulong pinansyal at bahay na masisilung­an sa tulong ng E-CLIP. Nito lamang Nakaraang buwan sa probinsya ng BOHOL ay mayroong apat na pu at apat (44) na balikloob ang nabigyan ng tulong ng pamahalaan (pia.gov.ph/probbince). Ilan lamang ito sa mga napaka rami nang aktibidad ang nangyayari at nagpapatun­ay na ang gobyerno ay seryoso na tulungan ang mga datihang rebelde na sumuko sa pamahalaan at ang mga iba pang rebelde na nagnanais sumuko upang maging mapayapa ang pamumuhay. Ito ang programang inilatag ng pamahalaan upang matuldukan ang himagsikan at magkaroon ng isang bansang payapa.

---Christophe­r Jorquia, PAF

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines