Sun.Star Pampanga

Sa kabila ng pandemic PRO3 patuloy sa kampanya laban sa illegal drugs

-

Tuloy tuloy ang kampanya laban sa pinagbabaw­al na gamot ang Police Regional Office3 (PRO3).

Ito ang ipinahayag ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO3 director, na kung saan inatasan nito ang lahat ng Provinical at City police director na ipagpatulo­y ang kanilang kampanya laban sa illegal dr ugs.

Kaya naman sa direktiba ni De Leon, hindi tumitigil

ang mga Provincial at City police directors sa kanilang kampanya laban sa pinagbabaw­al na gamot.

Nitong pagpasok 2021, hindi na mabilang ang naarestong mga drug pushers at ang pagsampa ng PNP kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Patuloy din ang monitor ng Provincial at City directors sa mga pinaghihin­alaang sangkot sa illegal drugs.

Batay sa police report, nangunguna ang

Angeles City Police Office sa pamumuno ni Col. Rommel Batangan na kung saan simula nang maupo ito ay hindi na mabilang ang kanilang isinagawan­g buybust operation at ang dami ng naarestong drug personal i t i es.

Ilan milyon piso halaga ng pinaghihin­alaang shabu ang nakumpiska ng Angeles City Police Office. Noong Huwebes, lamang pitong drug suspects ang naaresto

ng Angeles City Police.

Pumapangal­awa naman ang Olongapo City Police Office sa pamumuno ni Col. Randy Arceo. Halos isang buwan pa lamang nakaupo si Arceo ay marami na itong nahuling drug suspects sa kanyang area of responsibi­lity.

Nagkaroon lamang isang kontrobers­yal sa isang buy-bust operation na isinagawa ng kanyang Police Station 4 kaya naman kaagad ni-relieved ni Arceo ang hepe.

Ang Nueva Ecija Police Office sa pamumuno ni Col. Marvin Joe Saro, ang pumapangat­long pinakamari­ng nahuling drug pushers sa sunod sunod nitong buy-bust operation. Ilang mga suspek ang nasawi sa buy-bust operation matapos manlaban ang mga ito sa operatiba.

Ang Bulacan Police Provincial Office ang pang-apat na maraming naarestong drug suspects at mga nakumpiska­ng shabu.

Iyong ibang Provincail Police Offices ay mayroon din nahuhuling drug pushers sa kanilang area of responsibi­lity hindi lang kagaya ng mga apat na nabanggit na Police Offices.

Sa obserbasyo­n ng PNP, hindi na bumababa sa P200-K ang nakukumpis­ka ng mga operatiba sa mga drug suspects. Bakit kaya malalaking halaga na ang nakukumpis­kang shabu??? Nagtatanon­g lamang po...

Sa laking halaga ng shabu nakukumpis­ka sa mga drug suspects, saan naman nila kaya nakukuha? Nagtatanon­g lang po ......

Sabi nga ng ilang police officers, hindi na biro ang malalaking nakukumpis­ka nilang shabu sa mga buy-bust operation.

Nakakabaha­la na raw sa volume ng shabu nakukumpis­ka ng PNP sa mga buy-bust operations­a sa Central Luzon, ayon sa ilang police officers.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines