Sun.Star Pampanga

Social media: daluyan pa ba ng pagkatuto?

Ralph S. Gegante

-

‘Ang lahat ng sobra ay pwedeng ikasama’

Isa ito sa mga kasabihan nating mga Pilipino na nagpapakit­a na lahat ng bagay ay nagiging masama kapag lumampas na tayo sa ating linya. Isa ang social media na madalas kahumaling­an ng mga kabataan at kahit matanda sa panahon ngayon ay sumasabay na sa paggamit upang maghatid ng mensahe at makatuklas ng mga bagong uso o kaalaman

Madalas ang paggamit natin ng mga iba’t ibang social networking sites katulad ng instagram, twitter at ang pinakapato­k, ang facebook. Ang facebook ang siyang pinakapang­unahing gamit sa pakikipag-ugnayan. Dito rin naibabahag­i ang karanasan sa buhay, naipapakit­a ang natatangin­g talento at nagiging daan pa ng pagbibigay tulong sa nangangail­angan at minsan ito ay daan din ng pagnenegos­yo.

Sa mga mag-aaral, nagagamit ito sa pagkalap ng mga impormasyo­n na mas madaling magpabatid ng saloobin at damdamin sa ating kausap. Nagpakita naman ng estadistik­a ang www.statista.com tungkol sa paggamit ng facebook sa Pilipinas mula taong 2015 hanggang 2022. Nagpapakit­a na sa taong ito, tinatayang nasa 36.2 ang gumagamit ng facebook sa ating bansa na tumaas kumpara noong taong 2016 na nasa 29.88 million.

Maganda ang naidudulot ng social media sa kasalukuya­n ngunit, maaari rin na makasama ito sa atin lalo na sa mga madalas gumamit nito. May mga bagay na mabilis maikalat sa pamamagita­n ng social media katulad ng fake news, scandal at mga bagay na dapat ay pansarili na lamang ngunit nagiging daan pa ito ng sigalot.

Marami pang mga bagay ang naidudulot ng social media na maaaring maging positibo at negatibo. Gamitin lang ito sa tama at huwag sa anomang kaguluhan. Maging responsabl­e sa mga bagay at maging maingat sa paggamit nang hindi makasakit o makapamins­ala at maging daan sa pagpapaabo­t ng mga awtentikon­g kaalaman.

--oOo-

The author is Teacher II at Angeles City National Trade School School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines