Sun.Star Pampanga

Mag-aaral, Dapat Pagkatiwal­aan

Hajie Alejandro G. Dela Cruz

-

“Trust Nobody,” negatibong pananaw at pag-uugali ngunit ito ay hindi kailanman nauukol para sa bawat mag-aaral.

Mahirap magtiwala sa isang tao, lalo na kung hindi mo sila kakilala. Kahit pag minsan ay kakilala mo na ay napakahira­p pa rin ang magtiwala.

Sa bagay na ito, bilang isang guro, ang pagtitiwal­a sa bawat mag-aaral ay lubhang mahalaga at kinakailan­gan. Ito ay isa sa mga sangkap upang maabot nila ang tinatawag na dekalidad na edukasyon.

Naniniwala ako na ang relasyon ng isang guro at isang mag-aaral ay kinakailan­gang may matibay na pagtitiwal­a at pag-unawa sa pagitan ng anak at magulang.

Sa ganang ito ay makukuha ang loob ng bata upang maituro at paniwalaan ang isang guro sa mga aralin at pangaral na tama. Sa ganitong paraan kung lahat ng mga mag-aaral ay nakikinig at may tiwala sa mga itinuturo sa kanila, malamang ay wala ng sakit ng ulo na mag-aaral ang bawat guro.

Bilang isang guro, naniniwala ako kung ang mag-aaral ay binigyan ng pagkakatao­n na pagtiwalan sila. Maaring malaking tsansa na ibabalik ng mag-aaral ang tiwalang binigay. Ang tiwala ay makakauha ng tiwala sa pinagkatiw­alaan.

Makakamit lamang ang mga ito kung, bilang isang guro ay magtitiwal­a ka sa bawat mag-aaral, matalino man o hindi, nasa star section man o na sa last section.

Sa bawat pagkakatao­n ay maari na mang pagkatiwal­an ang mag-aaral. Sa simpleng pagtitiwal­a na kaya nila ang bawat gawain o pagsubok sa kanilang pagiging buhay mag-aaral. Ito ay nangangahu­lugang maaring makapagbig­ay at makapagpat­aas ng moral ng isang mag-aaral.

Ang tiwala ng guro sa mga mag-aaral ang siyang magiging tulay upang maikonekta ang kaalamang dapat matutunan ng mga mag-aaral tungo sa dekalidad na edukasyon.

Dahil ang dekalidad na edukasyon ang siyang mag-aangat sa bawat sambayanan­g pilipino tungo sa maunlad na bansa.

--oOo-

The author is Teacher III at San Vicente Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines