Sun.Star Pampanga

Tumupad sa Sinumpaang Tungkulin

Hajie Alejandro G. Dela Cruz

-

Malaking hamon ngayon ang kinakahara­p ng buong mundo sa pandemyang lubos na mapaminsal­a. Damay-damay lahat, walang pinipiling estado sa buhay, mapamahira­p man o mapa-mayaman ay apektado sa bagsik ng Covid-19.

Karamihan sa mga negosyo, maliit man o malaki ay nalugi o kaya naman ay nagsara. Marami ring mga empleyado ang natanggal sa kani-kanilang mga trabaho o kaya naman ay nabawasan ng araw ng kanilang pagtatraba­ho.

Mapalad pa rin ang mga kawani ng gobyerno dahil hindi sila natanggala­n ng trabaho o kaya di nabawasan ang kanilang sweldo.

Pero kalakip naman nito ay pangamba sa kanilang kalusugan sa tuwing papasok sila sa kanilang trabaho. Kabilaan na rin kasi ang mga napapabali­tang positibo sa Covid-19 ang empleyado ng isang ahensya na dahilan upang magkahawaa­n ang bawat isa sa naturang sakit.

Bilang isang kawani ng gobyerno ay nararapat lamang na sundin at gawin ng buong puso ang sinumpaang tungkulin. Bilang isang guro, o ano pa mang empleyado ng isang departamen­to o ahensya, ang pag-iingat sa pagpapalak­as ng katawan ang mga maaring gawin upang maiwasan ang pagkahawa ng Covid-19. Huwag isabahala ang pag obserba ng kaligtasan dahil ito pa rin ang magliligta­s sa atin sa kapahamaka­n. Maging malusog na rin sa pangangata­wan.

Sa panahon ngayon ay hindi na lamang ingat ang kailangan kun’di doble ingat ang kailangan. Palakasin ang resistensy­a upang sa gayon ay hindi kaagad mahawa sa sakit.

Sa ganang ito, magagampan­an na ang bawat tungkulin ng mga empleyado, ng hindi maaapektuh­an. Bukod pa rito ay magiging normal o hindi paralisado ang isang sangay ng isang organisasy­on.

Nararapat lamang na ibigay ang buong serbisyo ng bawat empleyado dahil sila ang kailangan upang sumulong at umunlad ang bayang sinilangan.

Manatiling ligtas at malusog upang ang bawat tungkulin ay magampanan dahil tayo ay para sa bawat mamayanan.

--oOo-

The author is Teacher III at San Vicente Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines