Sun.Star Pampanga

Work From Home

Abraham M. Cruz

-

Sa nakalipas na taon naranasan natin ang epekto ng pandemia atid ng CoViD 19. Lock down dito, lock down doon ! Akala natin ay katapusan na ng mundo. Maraming ang mga hadlang sa mga nais natin gawin at nais lutasin. Mga pagsubok sa pagtupad natin sa ating tungkulin ay tila di nababawasa­n bagkus lalu pa itong nadaragdag­an. Ngunit ang katungkula­n natin bilang isang guro ay di nagtatapos lamang sa ganitong sitwasyon.

Sadyang mapamaraan tayong mga guro. Di natin hinahayaan matigil ang ang pag-unlad ng edukasyon. Sab inga nila “lahat ng problema ay may solusyon”. Work From Home ang tugon natin upang di matigil ang ating katungkula­n bilang isang guro at maihakbang ang progreso ng ating edukasyun sa kahit anu mang paraan. Ngunit sa pamamaraan ito ay napakahira­p gawin bilang isang guro na kung saan ang pagtuturo ay naisasagaw­a sa di konbensyon­al na pamamaraan. Tunay nga ang pagtuturo ay napalaking suliranin kung hindi natin nakikita o nakakasala­muha ang ang ating mga mag-aaral, di tulad ng ibang mga trabaho tulad ng mga call center agent, accountant at iba pa ay maaring maisagawa sa ating mga bahay o ang tinawag na Work From Home. Malaki ang aking pangamba sa tuwing isinasagaw­a ko ang aking katungtula­n bilang isang guro sa kadahilana­n na maaring ang aking mga mag-aaral ay di matututo ng maayos dala kakulangan ng access sa internet o kaya naman ay wala silang makakatuwa­ng sa pagtahak ng kanilang mga module. Ngunit sa aking pananaw ay hindi ko ito binibilang na isang kahinahan ngunit ito’y isang hamon na mas lalong bigyang pansin.

Ang pandemia na ito ay isang makasaysay­ang pangyayari sa larangan ng ating tungkulin bilang isang guro. Lagi lamang natin isipin na “Education is a continuous process.” Ipagpatulo­y natin ang pagkatuto kahit sa mga panahon tayo’y may malaking suliranin kinakahara­p.

--oOo-

The author is Teacher III at San Miguel Elementary School, Magalang North

District.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines