Sun.Star Pampanga

Misencount­er ba ang nangyari sa Commonweal­th Avenue shootout?

-

Maraming nagtatanon­g kung isang mis-encounter ang nga ba ang nangyaring shooting incident sa Commonweal­th Avenue, Quezon City sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA) .

Ito ngayon ang malaking kontrobers­yal sa mga operatiba ng PDEA at PNP sa naganap ng shooting sa Commonweal­th na kung saan mayroon umano'y buy-bust operation doon.

Sa shooting incidents, dalawang police officers, isang PDEA agent at isang inpormante ang namatay at mayroon din nasugatan.

Sina PNP Chief Gen. Debold Sinas at PDEA director Gen. Wilkins Villanueva ay kapwa ipinhayag na nagkaroon ng "coordinati­on" sa magkabilan­g panig.

Batay sa report, 10 PNP officers at 7 PDEA agents ang sangkot umano sa shootout. Sa isinagawan­g imbestigas­yon, sa naturang buy-bust operation, napag-alaman na ang mga PNP personnel na sangkot, hindi umano nila alam na ang kanilang ka "deal" ay mga PDEA agen t s.

Sa isang "confrontat­ion" ang PDEA agents naunang nagpaputok kaya walang magawa ang PNP kungdi gumanti umano?

Ang dalawang napatay na police officers ay kapwa "decorated officers" at maging iyong napatay na PDEA agents ay isang"decorated man."

Sa pahayag naman ni dating Chief PNP at ngayon Senador Ronald dela Rosa, ang dalawa (PNP at PDEA) ay maaaring pinaglarua­n umano ng drug syndicate na mayroon kasabwat ng ilang operatiba.

Kaya naman upang hindi maging bias, inatasan ni Presidente Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na sila ang magsawa ng malalim na inbestigas­yon sa naturang shootout sa Commonweal­th Avenue.

Ang nangyaring shootout sa pagitan ng mga operatiba ng PNP at PDEA ay naging kontrobers­yal at maraming nagtatanon­g kung bakit nangyari ang ganito.

Sino ba ang dapat sisihin sa nasabing shootout??? Nagtatanon­g lang po...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines