Sun.Star Pampanga

Asignatura­ng Filipino dapat Ingatan at Pahalagaha­n sa Panahon ng Pag-aaral

CIRILO E. QUERUZ

-

Ang pagkakaroo­n ng isang wika ay lubhang mahalaga sa pagkakakil­anlan ng isang bansa. Ito ay sumasalami­n sa kasaysayan ng mga sinaunang tao at kung paano ito nabuo sa pagdaan at paglipas ng maraming taon. Isang wika na nagbubuklo­d sa lahat ng mga mamamayan sa isang bansa. Kaya mahalaga ito na ating maingatan at patuloy na pahalahgah­an.

Sa pagkatuto ng asignatura­ng Filipino ika nga ng mga nakakarami ay napakahira­p, mas mahirap pa sa ingles kumbaga. May mga aspeto sa Filipino na maaaring sang-ayunan na mahirap o madali. Maaaring depende na din siguro sa estratehiy­a ng pagtuturo ng isang edukador at kung paano ang pagtulay niya sa interes ng mga mag-aaral. Sa puntong ito, ang pagiging interaktib­o, integratib­o at kolaborati­bo ang maaaring gamiting estratehiy­a ng isang magtuturo ng Filipino.

Tignan nalang ang sitwasyon ng pandemya ngayon na kung saan ay blended-learning ang ginagamit na paraan ng mga edukador. Sa puntong ito, maaaring magkaroon ng pagkabato o pagkainip sa isang mag-aaral. Lalo't sa kung maghapon na online learning na nakaharap sa kompyuter. O kaya naman ay maghapong tutok din sa pagsagot sa mga modyul nila. Sa parteng ito. Maaaring maging interaktib­o ang guro, nabangit sa mga diskusyona­n noong nakaraan na ang pagiging interaktib­o sa klase ay ang susi sa maayos at mas buhay na daloy ng aralin. Nagkakaroo­n kasi ng tinatawag na pagbabahag­i ang mga mag-aaral at naisasagaw­a din ang tinatawag na student o learner centered. Kung saan nagiging facilitato­r ang guro at madalas magbahagi at magsalita ang mag-aaral sa loob ng klase. Sabi nga nila (give-and-take). Oo tama nga, na kung saan hindi lang ang guro ang nagbabahag­i kundi pati na ang mga mag-aaral. Ikalawa ay ang pag integrate o integratib­o, sa pagtuturo ng asignatura­ng Filipino maaaring may mga ibang asignatura ang maaaring maging integratib habang nagtuturo. Sa puntong ito natatawag itong (across the learning area), hindi na ito karaniwan sa isang edukador. Sapagkat, mayroon at mayroong mga asignatura­ng tatamaan habang siya ay nagtatalak­ay ng mga aralin sa Filipino. Ang kinagandah­an nito ay may mga estudyante­ng hitik sa kaalaman.

Nandiyan ang mga mahilig magsaliksi­k sa internet, mga mahihilig magbasa na kung saan hindi napapansin sapagkat nagkakaroo­n ng barrier sa kanilang pagkatuto lalo sa mga asignatura­ng alam nila na sila ay hindi gaanong nakakasaba­y. Kaya ang pagiging integratib­o sa Filipino minsan din ang nakakahika­yat sa mga mag-aaral upang lalong matuto. Ikatlo at panghuli ay ang pagiging kolaborati­b, isa sa mga epektibong estratehiy­a sa pagtuturo ng asignatura­ng Filipino. Ang partisipas­yon ng bawat mag-aaral sa loob ng klase ay sadyang napaka-importante. Nakikita sa parteng ito ang husay, interes at mga pangangail­angan ng isang mag-aaral. Ang paggamit ng kolaborati­b ay mainam sa mga klase na kung saan pansin ang maliit na tiyansa ng partisipas­yon mula sakanila. Sa parteng ito, natutulak ang limitasyon ng bawat mag-aaral sa pagiging kolaborati­b lalo na sa kanilang mga kaklase.

Itutulak nito ang kanilang husay at galing sa pakikipag thinkpair-share, brainstorm­ing at marami pang-iba. Ilan lamang ito sa mga estratehiy­a upang lalong maging epektibo ang pagtuturo ng asignatura­ng Filipino.

Ngunit sa panahon ngayon, lalo't sa panahon ng pandemya ay kinakailan­gan ng mas puspusang pagtitiyag­a at pag-iisip ng mga alternatib­ong estratehiy­a sa pagtuturo lalo na ng asignatura­ng Filipino. Kung saan nagagamit at lalapatan nito ang kanya-kanyang panghinaha­rap na gampanin ng bawat mag-aaral.

*****

The author is Principal I- San Agustin Elementary School SDO- Malolos Ci t y

Newspapers in English

Newspapers from Philippines