Sun.Star Pampanga

Two-storey quarantine facility

-

Dahil sa pagdami ng bilang na mga pulis positibo sa Covid-19, isang two-storey quarantine facility itinayo sa PRO3 headquarte­rs

Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga PNP personnel sa Central Luzon, isa naman ang itinayong Quarantine Facility sa loob ng PRO3 headquarte­rs.

Sa loob ng kampo, noong nakaraang ilang buwan may iilan lamang mga PNP personnel ang Covid-19.

Noong una, kung minsan isa o dalawang PNP personnel sa isang tanggapan sa PRO3 ang kinakapita­n ng virus.

Nguni't nitong nakaraang buwan at nitong buwan lumobo ang bilang ng mga PNP personnel at ilan sa mga Non-Uniformed-Personnel ang nagpositib­os sa Covid-19.

Napag-alaman ng Dateline, umabot na umano sa 166 ang bilang ng mga PNP personnel sa Kampo ang nagpositib­o.

Karamihan ng mga ito, nagquarant­ine sa unang naitayong Quarantine Facility sa loob ng kampo at iyong iba naman ay kanilang mga bahay nagquarant­ine.

Kaya naman buhat nang dumami ang bilang ng mga PNP personnel nagpositib­o sa PRO3 headquarte­rs, pinagbawal muna ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO3 director papasukin ang mga sibilyan sa loob ng kampo.

Pawang mga PNP personnel at NUP personnel lang ang maaaring pumasok sa kampo. Maging ang mga miyembro ng Media ay pinagbawal din pumasok ni De Leon.

At nitong nakaraang Biernes, isang two-storey Quarantine Facility ang pinasinaya­n ni Sec. Mark Villar ng Public Works and H i ghw ays.

Ang nasabing facility ay mayroon 32 isolation bedrooms at may sariling comfort room.

May nakatalaga­ng dalawang doktor at dalawang nurses.

Ang halaga ng nasabing two-storey Quarantine Facility ay umabot sa Php25,435,426,58 at ito'y pinondohan ng DPWH.

Sirang sirang kalsada papuntang PRO3 headquarte­rs di man lang binigyan ng pansin ng DPWH???

Dumating na rin si Sec. Mark Villar ng DPWH sa PRO3 headquarte­rs, hindi pa rin binigyan ng importansy­a ni Dir. DPWH3.

Sana nasabi din ni DPWH3 director ang sirang-sirang kalsada simula sa Barangay Tagulod hanggang sa harap ng PRO3 headquarte­rs.

Pagkakatao­n na sana ni DPWH3 iyon para masabi nito kay Villar ang nasabing sirang sira kalsada upang mabigyan nito ng pondo. Bakit kaya di pa rin pinansin??? Nagtatanon­g lang po ......

Halos apat na taon na nirereklam­o ng mga PNP personnel na pumapasok sa PRO3 ang nasabing sirang sirang kalsada.

nagpoposit­ibo sa

 ?? Monday, April 26, 2021 ??
Monday, April 26, 2021
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines