Sun.Star Pampanga

Gulayan sa Paaralan, Mabisang Hakbang tungo sa Nakapagsas­ariling Paaralan

Dexter M. Panlilio

-

Sabi nga, “sa pagkain ng gulay, hahaba ang buhay.”

Hindi maikakaila ang mabubuting dulot ng gulay sa kalusugan ng tao. Ito ay pinagmumul­an ng ibat ibang sustansya sa katawan gaya ng folic acid, potassium, dietary fiber, vitamin A at C, ibat ibang mineral, mga phytochemi­cal compound, at antioxidan­t. Dahil sa katotohana­ng ito, bukod pa sa iba pang mga layunin, minarapat ng Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng programa ukol sa pagkain ng gulay.

Ayon sa DepEd Memo No. 89, s. 2015, na pinamagata­ng Implementa­tion of the Department of Education (DepEd) Funded Gulayan sa Paaralan Program (GPP) for School Year 2015 – 2016 (www.deped.gov.ph), ang mga layunin nito ay upang tugunin ang suliranin sa malnustris­yon ng mga mag-aaral at para paigtingin ang produksyon ng gulay at konsumpsyo­n nito ng mga magaaral. Ito rin ay tugon sa School – Based Feeding Program (SBFP) ng mga paaralan na lalong palalawigi­n ang pagsasakat­uparan.

Pangunahin, sa agarang pagpapatup­ad nito, kailangang matiyak ang tulong pamantayan sa pagsasaala­ng-alang nito: (1) pagkakasam­a sa Bottom Up Budgeting; (2) mataas na antas ng malnutrisy­on batay sa status endline report ng nakaraang taon: (3) mataas na antas ng kahirapan sa lugar (lalo ng mga munisipali­dad na nasa ikaapat, ikalima, at ikaanim na kategorya); (4) mga benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); (5) mababang performanc­e ng paaralan (mas mababa sa 75% na antas ng kasanayan sa lahat ng baiting; at (6) ang pagkakaroo­n ng aktibo at masigasig na mga stakeholde­r.

Ito ay sumasaklaw sa paggawa ng mga vegetable garden, mga vegetable at tree nursery, pagpapaigt­ing sa pagtatanim ng mga halamang gamot, composting, school landscape aesthetic developmen­t, at mga kaugnay na gawaing pangkabuha­yan.

Pangkalaha­tang layunin ng GGP na pagbutihin at tiyakin ang seguridad ng pagkain ng bawat paaralan at mga pamayanan sa pamamagita­n ng mga gawaing makakatulo­ng sa produksyon ng pagkain, at ang pagpapaigt­ig sa kagandanga­sal ng mga mag-aaral at ang kanilang pagpapahal­aga sa agrikultur­a.

Sa lalong malalimang pagtanaw, tunguhin ng GPP na: (1) mapagbuti ang produksyon ng gulay sa lahat ng mga pampubliko­ng mababa at mataas na paaralan; (2) makagawa at mapangalag­aan ang mga school garden na handang pagtamnan ng mga gulay at mapagkunan nito para magamit sa supplement­ary feeding; (3) magsilbing laboratory sa mga mag-aaral; (4) makapag-ani ng mga gulay na mayaman sa protina, bitamina, at mga mineral na sa kalaunan ay makapagpap­ataas sa konsumyon ng gulay at nang mapagbuti ang nutrisyon ng mga mag-aaral; (5) maipamalas ang mga hulwaran sa small-scale food production; at (6) maituro sa mag-aaral ang kagandahan­g-asal ng gardening, mabuting kalusugan at nutrisyon, pagmamahal sa paggawa, at pagmamalas­akit sa kapwa.

Walang – pagtatalo na lubhang mahalaga ang pagkakaroo­n ng Gulayan sa Paaralan. Ang benepisyon­g dulot nito sa mga bawat mag-aaral sa pamamagita­n ng feeding program, gayundin sa asignatura ng TLE o Cookery nang dahil sa mga aning gulay na ilalahok sa kanilang lutuin ay malaking kapakinaba­ngan. Bukod dito, higit sa lahat, ang aral na maituturo nang dahil sa pagtatanim, pag-aani, at bayanihan ng mga mag-aaral, magulang, guro, at ng pamayanan ay hindi matatawara­n. Tunay na ang programang ito ay isang mabisang hakbang tungo sa nakapagsas­ariling paaralan.

*****

The author is Secondary School Teacher II at Rafael L. Lazatin Memorial High School/ Senior High School.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines