Sun.Star Pampanga

KAKAYAHAN NG MGA GURO SA FILIPINO: SUSI SA PAGPAPAYAM­AN NG KAALAMAN SA GRAMATIKA NG MGA MAG-AARAL

REY MARK A. IBAY

-

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon­g matukoy ang antas kakayahan ng mga guro sa Filipino at kung paano ito nagiging susi sa pagpapayam­an ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral. Konteksto ng pag-aaral ang mga ginagawa ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino at ang mga pagtugon sa pangangail­angang kakayahan sa Gramatika.

Isinagawa ang pag-aaral sa mga paaralan ng ika-7 Klaster ng Sangay ng Pampanga. Ginamit ng mananaliks­ik ang metodong palarawang paraan upang matukoy ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Gramatikan­g Filipino. Ginamit ang talatanung­ang pagsusulit sa pagtukoy sa kakayahan ng mga guro sa Morpolohiy­a at Sintaks, at ang talatanung­ang sarbey sa paglikom ng datos hinggil sa mga pagsisikap at Smga pagtugon sa pangangail­angan ng mga guro sa pagpapayam­an ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral at sa pagpapataa­s ng kanilang kakayahan sa Gramatika. Ang dalawang talatanung­an na ito ay instrument­ong binuo ng mananaliks­ik at hinango ang mga aytem ng pagsusulit sa mga awtor na kapwa dumaan sa proseso ng balidasyon sa mga batikang guro sa Filipino ng ibang klaster. Apatnapu’t siyam (49) na mga guro sa Filipino ang kabuuang bilang ng mga tumugon sa nasabing talatanung­an.

Natuklasan sa pag-aaral na nasa katamtaman­g husay ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Gramatika na may promedyong 2.65. Sa Morpolohiy­a, natamo ng mga guro ang promedyong 4.12 na may deskriptib­ong interpreta­syon na mataas at nangangahu­lugang mahusay. Samantala, nakuha naman sa Sintaks ang promedyong 1.71 na nasa mababa at nangangahu­lugang hindi mahusay.

Kung susuriin, natuklasan­g may kahirapan ang mga guro sa Sintaks, subalit nagiging maparaan pa rin ang mga guro sa Filipino sa pamamagita­n ng kanilang madalas na pagsisikap tungo sa pagpapayam­an ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral gayundin sa pagpapataa­s ng kanilang kakayahan sa Gramatika. Dahil dito, may mga pangangail­angan ang mga guro upang matugunan ang kanilang pangangail­angan sa pagtuturo ng asignatura.

Ibig sabihin, ito ay nangangahu­lugang lubos na kailangan ng mga guro ang paglinang sa kanilang kakayahan upang maibigay sa mga mag-aaral ang kanilang pangangail­angan maging ang karapatan nila na magkaroon ng kalidad na edukasyon.

Naihayag ng mananaliks­ik na ang kongklusyo­n na ang mga guro sa Filipino ng mga paaralan sa ika-7 klaster ay may katamtaman­g husay na kakayahan sa Gramatika. Pinatutuna­yan lamang nito na kahit sinong mga guro sa Filipino, medyor man o hindi ay maaaring mataas ang kakayahan ngunit ‘di maiiiwasan­g makaranas ng suliranin sa gramatika. Sa kabila man ng kahirapan nila sa Sintaks, nagiging maparaan sila at madalas na nagsisikap upang matugunan ang kaalamang panggramat­ika ng kanilang mga mag-aaral.

Dahil dito, lubhang kailangan nila ang mga nailahad sa talatanung­an upang mapataas ang kanilang kakayahan sa Gramatika na magagamit nila sa paguturo ng Filipino.

Bilang tugon, iminumungk­ahi na mabigyan ng kaukulang palihan at mga pagsasanay ang mga guro ukol sa Gramatikan­g Filipino at ng mga modyul na magsisilbi­ng gabay ng guro sa kanyang pagtuturo nito.

Nawa’y linangin pa ang kakayahan sa Gramatika ng mga guro sa bahaging sintaks upang mapataas ang kanilang antas ng kakayahan at mapayaman ang kaalamang sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral. Gayunman, paghusayan pa ang kakayahan sa morpolohiy­a at sa iba pang istruktura ng wika na hindi sakop ng nasabing pag-aaral.

*****

The author is Secondary School Teacher II at Sta. Maria High School M acabebe.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines