Sun.Star Pampanga

Dalawang pulis itinumba nitong buwan

-

Dalawang pulis na ang pinatay ng armadong lalake nitong buwan na kung saan hanggang kasalukuya­ng wala pang naaareston­g mga suspek.

Nitong Hunyo 1, pinagbabar­il ng armadong grupo si retired Chief Inspector Fernando Reyes, 58, residente ng Barangay Concepcion, Lubao, Pampanga.

Habang binabaybay ni Reyes ang kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sakay ng kanyang Yamaha Mio nang pagbabaril­in ng dalawang motorcycle riding armed men.

Namatay kaagad si Reyes dahil sa malubhang tama ng baril sa kanyang katawan.

At nitong Hunyo 8, si Ssgt. Michael Maun, miyembro ng PNP aviation group nakabase sa Clark Pampanga ay pinagbabar­il din nang car riding armed men sa Barangay Cristo Reye, Capas, Tarlac.

Sakay ng kanyang Toyota car si Maun patungong ng Clark nang may biglang pagbabaril­in ng mga suspek sakay din ng isang Toyota car.

Idineklara­ng patay na si Maun ng doktor ng Ospital ng Capas.

Hanggang sa kasaluluya­ng wala pa rin naaareston­g mga suspek ang Pampanga police sa pagkakapat­ay kay retired Chief Inspector. Halos magdadalaw­ang linggo na wala pa rin malinaw na motibo kung bakit pinagbabar­il ang biktima.

Maging ang Tarlac Police ay wala pa rin naaareston­g mga suspek sa pagpatay kay Maun at hanggang ngayon inaalam pa ng PNP ang motibo ng mga salarin.

Sana atasan ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang Pampanga at Tarlac police na bigyan ng agarang solusyon ang dalawang pinatay na pulis.

Nakakabaha­la na ang ginagawang pagpatay sa mga PNP personnel sa Central Luzon, ayon sa mga police officer.

Sana makagawa ng agarang imbestigas­yon at solusyon ang PRO3.

MacArthur Highway patungong Camp Olivas sirang sira na

Hanggang kasalukuya­n parang wala pa rin ginagawang aksyon ang Department of Pubic Works and Highways (DPWH) Central Luzon ukol sa sirang kalsada simula sa barangay Tagulod hanggang sa gate ng Camp Olivas.

Halos sa pinaka-shoulder ng nasabing kalsada dumadaan ang mga behikulo upang makaiwas sa sirang kalsada.

Umaabot na sa mahigit dalawang taon na ang sirang kalsada at hanggang ngayon wala pa rin ginagawang aksyon ang DPWH.

Hanggang kailan kaya magtitiis ang mga motorista patungong Camp Olivas sa sirang kalsada? Nagtatanon­g lang po...

DPWH, bigyan ninyo naman ng aksyon ang nasabing sirang kalsada lalo na mga PNP personnel ang dumadaan sa doon...

Abangan po natin ang magiging aksyon ng DPWH...

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines