Sun.Star Pampanga

Ngiti sa Gitna ng Pandemya

Maribeth R. Villanueva

-

Ito na marahil ang isa sa mga pinaka-malaking dagok na naranasan ng mga mag-aaral sa mababang paaralan. Karaniwan nating nakikita ang mga bata na nagtatakbu­han o di kaya naman ay nagkuwe-kuwentuhan sa loob ng silidarala­n. Dito sila madalas kumukuha ng motibasyon upang magpatuloy sa pagpasok sa paaralan. Nabibigyan sila ng kasiyahan ng kanilang mga kaibigan at kaklase sa loob ng paaralan. Ngunit, pagsapit ng Marso 2020, ang pandemya sa bansa ay naranasan. Ang dating paaralan na punong-puno ng kabataan na may mga ngiti and masasayang halakhak, ay napalitan ng bakanteng espasyo na lamang. Maidaragda­g pa rito ang paglunsad ng IATF ng protocol upang limitahan ang paglabas ng bahay ng mga kabataan.

Paano nga ba ang magiging kalagayan ng mga mag-aaral sa mababang paaralan ngayong pandemya? Bilang isang guro, aking nais mabigyan ng kalakasan ng loob and motibasyon ang aking mga mag-aaral upang maibalik ang sigla and ngiti sa kanila mga mata. Sa nakaraang mga buwan, nasaksihan ko ang mga araw na sa module at online ko lamang nakahahalu­bilo ang aking mga estudyante. Noong unang mga lingo ay makikita ang kanilang paninibago sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Bilang isang guro, nais kong mabigyan ng mataas ng kaledad ng edukasyon ang aking mga estudyante. Nakapagbig­ay ako ng mga proyekto at mga aktibidad na nakapagbig­ay sa kanila ng kasiyahan.

Nakita ko na bagamat nasa kalagitnaa­n tayo ng pandemya, kaya natin, basta sama-sama, ang maging masaya at mabigyan ng kasiyahan tungo sa pag-aaral ang ating mga estudyante. Alam kong malapit ng matapos ang pandemya sa ating bansa, pansamanta­la, bilang guro, ating panatiliin ang pagbibigay ngiti sa ating mga mag-aaral.

Ilan sa mga maaaring gawin ng mga guro upang mapasaya ang mga magaaral sa gitna ng pandemya ay ang mga sumusunod na halimbawa: pagbibigay ng video lessons na akma sa interes ng mga bata, pagkakaroo­n ng online Tiktok and vlog contest, at pagdaraos ng virtual games and parties.

*****

II at Sta. Cruz Elementary School, Porac East

Newspapers in English

Newspapers from Philippines