Sun.Star Pampanga

IPONG PERA SA PANAHON NG PANDEMYA

Mylyn T. Martin

-

Ako’y nakapagtan­to sa ganitong panahon na mahalaga din pala ang pera. Sa hirap ng buhay, ikaw ay mapalad kung mayaman ka. Gastos doon, gastos dito na walang pinoproble­ma. Ngunit naisip mo ba hanggang kailan mo kayang gumasta? Di ka ba mauubusan kung ito ang nakagawian? Alalahanai­n natin ang isang kwento tungkol sa mga langgam. Naalala ko pa nung ito’y ikinuwento ng aking guro. “Ang mga langgam pala bago magtag-ulan ay handa na. Bakit at kung paano nila nagawa ito? Sa simpleng pamamaraan ng “pag-iipon”. Silay nag-iipon o nag-iimbak ng kanilang pagkain habang maganda pa ang panahon. At kapag sila’y nakarami na patuloy pa din sa pag-iipon ng makakain. Hanggang sa pagdating ng tag-ulan, silang lahat ay handa na. Puno ng pagkain ang kanilang tirahan.” Kaya kahit na sila’y mamahinga sa pag-iipon ng pagkain kung tag-ulan na, sila’y di na magugutom pa, dahil sa paghahanda­ng nagawa. Tayo naman kaya? Kaya ba natin ang halintulad sa kanilang ginawa? Kung atin silang tutularan, sa pagdating ng kagipitan, di tayo mahihirapa­n. Kaya habang may panahon, mag-imbak o mag-ipon ng hanggang sa makakayana­n. Dahil sa panahon na ika’y tumanda na, gustuhin mo man at mahina na ang katawan, paano mo pa makakaya? Kaya’t habang may panahon ka pa, mag-isip paano ka makaipon ng pera o ‘wag sayangin ang mga panahon na mahalaga. O kung may mga ari-arian na balang-araw ay may malaki kang pakinabang sa iyong naipundar. Lalo na sa panahon ng pandemya hindi ba’t tayo’y nakapag-isip na? At higit sa lahat ang mag-ipon ng pera? Pwede kaya nating tularan ang mga langgam sa kanilang pagsisikap upang makaipon? Di naman sinasabing paalipin sa pera o mga ari-arian bagkus gamitin ang mga ito ng tama at naaayon sa pangangail­angan. Kung may panahon na makatulong pa sa iba, sa iyong kapwa, kapatid, magulang o sa mga higit na nangangail­angan. Di lamang sarili ang isipin kundi pati narin ang iba. Kaya napakahala­ga ng “Ipon Mong Pera” na sa mabuti nakatalaga.

--oOo-

The author is Master Teacher I at M. Nepomuceno Elementary School, Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines