Sun.Star Pampanga

Nagpulong ang BKD ng Cluster IV – Sangay ng Pampanga

The author is Teacher Efren A. Reyes Jr.

-

Noong ika-23 ng Hulyo, taong 2021 ay nagkaroon ng pagpupulon­g ang mga tagapayo ng organisasy­ong Barkada Kontra Droga ng buong Cluster IV na binunbuo ng Bacolor High School, Don Antonio Lee Chiuan Integrated School, Diosdado Macapagal High School, Don Jesus Gonzales High School, Gerry H. Rodriguez High School, Malino High School, Mexico National High School, Nicanor David Vergara High School, Potrero National High School, San Isidro High School (B.), San Isidro High School (SA), San Juan High School, Sta. Ana National High School, San Vicente Pilot School for Philippine Craftsmen, at Telesforo and Natividad Alfonso High School na mga paaralan mula sa mga bayan ng Bacolor, Mexico at Sta. Ana. Pinagtibay ang nasabing pagpupulon­g Division Memorandum No. 298, S. 2021 na naglalayon­g mas palakasin at paigtingin ang mga lokal na organisasy­on ng bawat paaralan. Nilayon din sa pagpupulon­g ang makapaghal­al ng isang kinatawan upang manguna sa buong cluster 4. Dahil dito ay nahalal si ginoong Efren A. Reyes Jr. ng San Juan High School bilang kanilang kinatawan. Samantala, noong nakaraang ika-12 ng Agosto 2021 ay naglabas ng Division Memorandum No. 341, S.2021 ang Sangay ng Pampanga upang magkaroon ng birtuwal na pagpupulon­g ang mga kinatawan ng bawat cluster ng dibisyon upang buuin ang mga plano ng mga isasagawan­g aktibidade­s. Ang pagpupulon­g ay naganap noong ika-1920 ng Agosto, 2021. Pinangunah­an ang nasabing pagpupulon­g ni binibining Paula Meneses, ang pangkalaha­tang tagapagdal­oy ng BKD sa Sangay ng Pampanga. Dahil sa kooperasyo­n ng bawat halal na kinatawan sa pitong klaster ay naging matagumpay at mabunga ang mga nasabing pagpupulon­g.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines