Sun.Star Pampanga

Edukasyon, Magulang at Ako

Rosalinda R. Catalig

-

Edukasyon ay pahalagaha­n, ito ay susi isa iyong kinabukasa­n Ito ay paniniwala na paulit ulit na maririnig sa mga magulang na patuloy na lumalaban sa buhay upang mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak. Wala na yatang sasarap sa pakiramdam na makita na ang mga mahal mo sa buahay ay umaakyat sa entablado upang umabot ng diploma ng pagtatapos sa pag-aaral. Malimit sumasagi sa aking isipan kung bakit matagal at masalimuot ang pag-aaral, lagi kong tinatanong sa aking sarili, edukasyon nga ba ang sukatan ng pagkakaroo­n ng magandang kinabukasa­n? Dumarating sa punto na namimili ako sa pagitan ng edukasyon at diskarte sa buhay para magkaroon ng magandang kinabukasa­n. Sumunod ako sa aking magulang na pahalagaha­n ko ang aking pag-aaral at bilang anak, ginawa ko ang pinaka mabuting paraan upang magkaroon ng magandang edukasyon. Dumating ang araw ng aking pagtatapos, luha ng kagalakan ang aking nabanaag sa mga mata ng aking magulang, galak dahil sa nakakasigu­arado na sila na anumang oras ay pwede na akong lumikha ng sarili kong buhay at paunlarin ito gamit ang edukasyon na aking ntutunan sa mga nakalipas na panahon. Dahil sa pagpapahal­aga ko sa edukasyon, nagkaroon ako ng magandang opurtunida­d na magkaroon ng magandang trabaho, at kasalukuya­ng pumpagpag sa larangan ng pagtuturo at may masayang pamilya. Salamat sa edukasyon na mayroon ako at ito ay patuloy kong pag iibayuhin at ipapama sa aking mga anak.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines