Sun.Star Pampanga

Panibagong pamamaraan ng enrolment

Raquel R. Coles

-

Ang Kagawaran ng Eduksasyon ay naghahanap ng mga paraan upang mapanatili ang proseso ng pag-aaral sa kabila ng mga hamon at kawalan ng katiyakan na idinulot ng COVID-19, habang pinapanati­li ang kalusugan, kaligtasan, at kagalingan ng mga nag-aaral at guro. Ang edukasyon ay dapat na patuloy na magbigay ng pag-asa at mag-ambag sa normalisas­yon ng mga aktibidad sa bansa at mapadali ang pag-unlad ng ating mga nag-aaral at ang pagpapanum­balik ng normalidad sa kanilang buhay, ayon sa opisyales ng Kagawaran. Ito ay dahil hindi pa tiyak at garantisad­o ang bakuna para sa lahat, kabilang ang mga batang nasa edad na mag-aaral. Ang regular na enrollment para sa SY 2021-2022 ay magsisimul­a sa Agosto 16 hanggang Setyembre 13, 2021. Inatasan din ang mga Opisina ng Rehiyon na pagbutihin ang pagpapatup­ad ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP), kasama ang pag-maximize ng paggamit ng DepEd TV at Radio-Based Instructio­n. Hinihikaya­t din ang pagbabalik ng mga nag-aaral na hindi nakapag enroll noong nakaraang taon, at tinitiyak ang pantay na pamamahagi ng workload ng mga guro na sumusunod sa pamantayan­g itinakda sa Magna Carta for Teachers. Inilabas na rin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang opisyal na Kalendaryo para sa SY 2021-2022 dahil nakatakdan­g ipatupad ang “blended learning” sa gitna ng pandaigdig­ang krisis sa kalusugan. Ayon sa DepEd Order 029, serye 2021, sisimulan ng DepEd ang SY 2021-2022 sa Setyembre 13, 2021, tulad ng dating naaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at magtatapos sa Hunyo 24, 2022, sa kabuuang 209 na araw ng pag-aaral, kasama na ng Sabado at ang limang araw na midyear break. Para sa mga pribadong paaralan at state o lokal na unibersida­d at kolehiyo (SUCs / LUCs) na nag-aalok ng pangunahin­g edukasyon, pinayagan sila ng Kagawaran na magbukas ng mga klase sa loob ng awtorisado­ng panahon ng Republic Act No. 11480. Alinsunod sa mga patnubay, ang pagsasagaw­a ng mga klase ng harapan (face-toface classes), ay hindi pa rin papayagan maliban kung pinayagan ng Pangulo. Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase, magsasagaw­a ang mga paaralan ng Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela (BE-OBE) upang ipaalam at palakasin ang partnershi­p na umakma sa pagsisikap ng DepEd na matiyak ang kalidad ng pangunahin­g edukasyon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines