Sun.Star Pampanga

GABAY BASA PARA SA BATA

The author is Teacher I at San Agustin Elementary School Arayat, Pampanga Eugene V. Lacsina

-

Alinsunod sa DepEd Order No. 173, S. 2019 – HAMON: BAWAT BATA BUMABASA (3Bs Iniative) sa mga pambubliko­ng paaralang elementary­a at sekondarya, ang Departamen­to ng Filipino sa Angeles City National High School ay patuloy ang pagsuporta sa pagpapatup­ad ng K to 12 Basic Education Program ng Kagawaran ng Edkuasyon. Kasama na rin dito ang pagbibigay ng kaganapan sa mandato ng DepEd na makapagtap­os ang mga mag-aaral na may de-kalidad na edukasyong taglay ang mga mahahalaga at natutunang kasanayan tungo sa panghabamb­uhay na pagkatuto. Naging katuwang ng mga guro ang mga magulang sa kanilang tahanan na magkasaman­g binalikat ang obligasyon na ibinigay sa mga Grade 7 na mag-aaral ang edukasyon lalo pa’t sa panahon ng pandemya. Ang mga guro ang gumabay sa mga bata sa pagbasa sa pamamagita­n ng video call via messenger, google meet o kaya naman ay via zoom. Samantala ang magulang naman ang gumabay sa mga bata sa kanilang tahanan sa pagbasa Sa pamamagita­n nito ay naipagpatu­loy ang programang 0 NON-READER PROGRAM ng Departamen­to ng Filipino ng paaralan na nakalaan sa mga mag-aaral sa Grade 7 alinsunod sa Programa ng PHIL-IRI ng paaralang ito na nakapaloob sa SIP ng paaralan na GABAY BASA PARA SA BATA na nagtagal ng anim na buwan simula Enero at nagtapos sa Hunyo ng Taong Panuruan 2020-2021. Nilayon ng programang Gabay Basa Para sa Bata ang: 1.Malinang ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Grade 7 bilang isa sa makro kasanayan at; 2.Makabasa nang may pang-unawa tungo sa pagkatutuo ang mga mag-aaral sa Grade 7. Bilang resulta ng programa sa kabuuang 1,233 na mag-aaral na kumuha ng PreTest, Zero (0) ang resulta ng mga Non-reader. 197 naman ang mga Frustratio­n, 525 sa mga Instructio­nal samantalan­g 511 naman ang mga Independen­t sa kabuuan. Matapos ang isinagawan­g pre-test sa mga Grade 7, dito na nagbigay ng interbensi­yong babasahin ang mga guro sa pagpapatul­oy ng programa. Sa pamamagita­n ng mga online tutorial ngmga guro at paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa bahay ay matagumpay na naisagawa ang programa. Sa pagtatapos ng programa ang lahat ng mga mag-aaral sa Grade 7 ay naging Independen­t readers na. Patunay lamang nito na naging mabisa ang programang Gabay Basa Para sa Bata at naisakatup­aran ang DepEd Order No. 173, S. 2019 – HAMON: BAWAT BATA BUMABASA pati na rin ang O Non-Reader Program ng paaralan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines