Sun.Star Pampanga

Huwag gawin laruan ang baril — Gen. Eleazar

-

Ito'y nangyari sa isang Police Cpl. Oliver Ferrer nakatalaga sa Raxabago Police Manila, na kung saan isang delivery driver ang kanyang napatay.

Nangyari ito noong Biernes nang naisipan ni Ferrer na laruin ang kanyang service gun (.9mm pistol) nang bigla itong pumutok at tinamaan si Jayson Capistrano, isang delivery dr i ver.

Sa police report, binisita ni Ferrer si Joseph Lipasana ng Gagalangin, Tondo at samantalan­g nasa labas sila sa harapan ng barangay hall, nilaro ng pulis ang kanyang baril sa harapan ni Capi st r ano.

Bigla umano ito pumutok at tinamaan si Caspistran­o. Dinala sa malapit na ospital ang biktima nguni't ideneklara itong dead on arrival.

Sa pahayag ni Chief PNP General Guillermo Eleazar, kasong homeside ang isanampa ng

Prosecutor's Office, samantalan­g kasong administra­tibo ang sinampa ng PNP laban kay Cpl Ferrer.

Kaagad naman sumuko si Ferrer kay Brig. Gen. Leo Francisco, director ng MPD at kasalukuya­ng nakakulong police station.

Sang-ayon sa initial investigat­ion, magkaibiga­n pala sina Ferrer at Capistrano..

Dahil sa insidente ito, inatasan ni General Eleazar na isailaim sa "regular conduct

of gun safety at marksmansh­ip training ang lahat ng PNP personnel.

Huwag sana maging "ningas cogon" ang direktiba ni Gen. Eleazar?

*****

VP Robredo vaccine express sa Pampanga Noong Biernes dumating si Vice-President Leni Robredo sa City of San Fernando upang ilunsad nito ang kanyang Vaccine Express program na ginanap sa Laus Convention Center.

Umabot sa 1,647 Fernandino­s nabukunaha­n ng first dose ng vaccines na nasa A4 category.

“Ang programang ito ay naisakatup­aran sa pakikipagt­ulungan ng tanggapan namin at ng City of San Fernando LGU through the Office of Councilor Redentor Halili, pati na rin sa mga civil society organizati­ons (CSO) na pinangungu­nahan nina [Pampanga Governor Eddie 'Among Ed' Panlilio] at Quiel Quiwa, at sa iba pa nating long-time Angat Buhay partners,” Robredo wrote on her social media account.

Hindi ba alam ni VP Robredo na si Dennis "Delta" Pineda ang gobernador ng Pampanga at si dating gobernador Among Ed ang kanyang isinulat sa kanyang social media account? Nagtatanon­g lang po...

Dapat VP ka alam mo kung sino ang current governors sa mga lalawigan, di po ba?

Hindi ba inimbitaha­n ni VP Robredo si Gov Delta sa nasabing aktibidade­s? Nagtatanon­g lang po...

Covid-19

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines