Sun.Star Pampanga

E-sabong: Benepisyo o perwisyo sa bayan?

-

Nitong nakaraang Lunes, inaprobaha­n ng House of Representa­tives ang pagpalawig sa operasyon ng online cockfighti­ng o e-sabong.

Ang e-sabong firm Lucky 8 Star Quest Inc., na kung saan ang operator nito ay ang Pitmasters Live games ay si Charlie "Atong" Ang, isan Filipino-Chinese gaming aficianado.

Sa session ng mga kongresist­a, umaabot sa 161-2 ang bumoto sa third and final reading ng House Bill No. 10199.

Pinalawig ng 25 taon ang franchise ng Lucky 8 Star Star Quest para sa "live broadcast ng cockfighti­ng at derbies sa pamamagita­n ng online.

Sa nasabing Bill, pinayagan ang e-sabong firm na magtayo ng mga establista­mento para mag-operate ng online cockfighti­ng.

Inaprobaha­n ng Kamara ang e-sabong upang doon makakuha ang pamahalaan ng malaking benipisho sa pamamagita­n ng "revenue."

Si dating House Speaker, Congressma­n Alan Peter Cayetano ang tutol sa nasabing bill dahil ang esabong at iba pang sugal ay sinisira ang "moral fiber ng ating society.

Sang-ayon pa kay Cayetano ang e-sabong ay madaling sumugal sa pamamagita­n ng internet o cellularph­ones kaya naman maraming kababayan natin ang na-aadik dito lalo na iyong mga kabataan.

Dahil sa e-sabong on-line maraming kababayan natin ang naadik sa sugal, ayon pa sa kanyang statement.

Matandaan, ang Lucky 8 Star Quest Inc. ay nakakuha ng license to operate sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Bakti kaya halos ang mga kongresist­a ang sumuporta sa e-sabong on-line? Ano ang mayroon dito? Nagtatanon­g lang po...

Malaki ba ang makukuhang benipisyo sa esabong o malaking perwisyo sa mga kababayan natin lalo na iyong mga kabataan? Nagtatanon­g lang po...

Kayo po ano ang palagay ninyo?

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines