Sun.Star Pampanga

Imonitor ang grupong wanted sa robbery at kinapping - Eleazar Itional

-

natasan ni Philippine Na

Police (PNP) Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar ang lahat ng Police Regional Directors sa bansa na manmanan ang dalawang grupo ng wanted for robbery at kidnapping.

Sang-ayon sa pahayag ni Eleazar ang mga naturang grupo ay posibleng umano'y gamitin ng ilan politiko para makalikom ng kanilang pondo para nitong darating na National at Local Elections sa 2022.

Ang Intelligen­ce Group (IG) at mga chief of police f Police ang mga inatasan ni Eleazar para hhulihin ang mga naturang grupo kanilang area of responsibl­ity (AOR).

Unang una ang mga Chief of Police ang nakakaalam kung sino sinong grupo ang nasa AOR nila.

Ang sinasabing wanted persons ni Chief PNP ay iyong sangkot sa robberies sa mga bangko at iba pang establista­mento.

Ito ang nakikita ni Eleazar na maaaring gagamitin ng ilang politiko ang grupo ng wanted person at kidnapping upang makaipon ng kanilang pondo para sa kanilang pagtakbo.

Ang direktiba ay inilabas ni Chief PNP dahil sa robberyhol­dup naganap sa Chinabank branch sa Otis, Manila.

Abangan po natin kung sinong Chiefs of Police ang gagawa kaagad ng aksyon sa direktiba ni Eleazar. Mayroon kaya? Nagtatanon­g lang po...

*****

Mga police officers nabigyan ng award nitong 120th Police Service Anniversar y

Noong Lunes, ang 120th

Police Service Anniversar­y na kung saan dinaluhan nina Davao Mayor Sara Duterte Carpio at Bulacan Gobernador Daniel Fernando.

Isang programa ang ginanap sa PRO3 grandstand ang nasabing anniversar­y na may temang "Hangad na Kalinisan sa Kapulisan, Kapaligira­n at Komunidad; Ibayong Gampanan para Pangkapuli­sang Integridad."

Sa nasabing anniversar­y nakatangga­p ng awards ang mga sumusunod; Col. Rommel Velasco, chief ng Regional Community Affairs Developmen­t Division (Best Senior Police Commission­ed Officer for Administra­tion; Col. Lawrence Cajpe ng Bulacan police provincial director (Best Junior Police Commission­ed Officer for Administra­tion; Maj. Mark Louie Sigua; Best Junior PCO for Operations Maj. Aris Gonzales; Best Senior PNCO for Administra­tion - SMSJewelle Rivera; Best Senior PNCO for Operations - CMS Abraham Ancheta;

Best Junior PNCO for Administra­tion; SSg Mary Joy C Fernandez; Best Junior PNCO for Operations­Cpl Miriam L Lapurga; Best NUP (Supervisor­y Level)NUP Marie Flor A De Guzman and Best NUP (NonSupervi­sory Level) - NUP Ayla Joy DC Dela Cruz.

Samantala ang Pampanga ang Best Police Provincial Office; Olongapo City police ang Best City Police Office; Best Component City Police Station – ang City of San Fernando Police Station; Best Municipal Police Station ang Mariveles Police Station; Best City Police Station- Station 1, Olongapo City Police; Best Provincial Mobile Force Company2nd PMFC, Pampanga PPO at Best City Mobile Force Company CMFC, Olongapo CPO.

Sa mga awardees congrats sa inyong lahat...

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines