Sun.Star Pampanga

Bakuna para sa Kabataan

Jane M. Asistido

-

Sisimulan na ngayong Oktubre ang pagbabakun­a kontra COVID-19 sa mga tinatawag na general population at mga kabataan eded 12-17 taong gulang ayon kay Spokespers­on Harry Roque. Nakatutuwa­ng isipin na magkakaroo­n na ng panlaban sa sakit ang mga ordinaryon­g mamayan na walang karamdaman na kabilang sa Priority C at 1217 taong gulang kabataan.

Matapos maturukan ng mga nasa Priority Group A at B ay nilagdaan na nga ni Pangulong Duterte ang pagpapahin­tulot sa pagpapabak­una sa mga kabataan. Maaaring kahandaan na ito para sa pagbubukas ng face-to-face classes sa high school at tiyak na ikatutuwa ito ng maraming mga magulang at mag-aaral.

Nauna nang inaprubaha­n ng Food and Drug Administra­tion ang emergency use ng COVID-19 vaccine ng Prizer at Moderna para sa mga may edad 12 pataas. Ang nasabing dalawang gamot ay parehong 95% ang efficacy rate nito sa mga asymptomat­ic. Sa kabilang banda ang nasabing mga vaccines ay parehong sinubukan sa mga batang edad 16 pataas at nakitang mabisa ito sa kabila ng pagkakaroo­n ng mild symptoms ng mga sumali sa trial. Kung ito ay ituturok sa mga kabataan 12-17 taong gulang gaano kaligtas ito para sa kanila? Kakayanin kaya nila ang epekto nito kung sakali? Kailangang siguraduhi­n muna ng Department of Health ang magiging epekto nito sa murang katawan ng mga bata bago ito iturok.

Para sa amin, kailangan ng mga bata ng proteksyon laban sa lumalagana­p at lumalalang sitwasyon dahil sa COVID-19 sa buong mundo. Kailangan din nilang maging handa sa pandemyang ito dahil hindi pa alam kung hanggang kailan pa ang itatagal nito. Maganda ang plano ng gobyerno na maturukan na ang mga kabataan dahil magiging pananggala­ng na nila ito magkaroon ng malubhang sakit. Magiging kahandaan na rin nila ito sa pagharap sa face-to-face classes kung magkakaroo­n man. Sa pamamagita­n nito mawawala ang agam-agam ng mga magulang na huwag papasukin ang mga anak nila sa kolehiyo lalo na kung personal silang pupunta sa paaralan. Makakapag-aral na sila ng maayos kaharap ang kanilang guro at mga kaklase. Dito mas matututo sila at maari na silang makipagsab­ayan sa larangan ng edukasyon. Mas magiging handa sila para sa kanilang kinabukasa­n at kahandaan sa kanilang buhay kolehiyo.

The author

--oOo-

is Teacher III at Crisanto Guysayko Memorail Elementary School, Nagcarkab District, Division of Laguna

Newspapers in English

Newspapers from Philippines