Sun.Star Pampanga

BATA… Kamusta ka na?

Marisa Linda C. Perez

-

“Kahit madilim ang kalawakan, may natatagong sinag sa mga ulap nito”

Bata… kamusta ka na? Naitanong mo na ba ito sa mga estudyante o maging sa mga kabataang iyong nakakasala­muha sa araw-araw? Marahil ay hindi pa, dahil simula ng pandemyang ito sila ay bahagi lamang ng ating prioridad. Ang pangunahin­g nasa isip natin ay kaligtasan sa hatid na banta ng COVID 19. Higit pa ang pagtugon natin sa ating mga pangunahin­g pangangail­angan upang mabuhay at maipagpatu­loy ang trabaho.

Sa ngayon, ano kaya ang nasa isip ng mga kabataan? Sa simula ng COVID 19, mayroon sa kanila ang natutuwa dahil wala silang pasok… pinagbawal­an silang pumunta sa paaralan. Maaaring ang iba ay takot, nalulungko­t o nababahala sa mga kaganapan sa kapaligira­n lalung-lalo na ang patungkol sa kanilang pag-aaral. Saglit na natigil ang kanilang madalas gawin tulad ng makisalamu­ha sa kanilang kapwa,mga kaibigan ngunit ito’y hindi na muling mangyayari hanggat may panganib sa paligid. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay pinahahala­gahan ang kapakanan ng bawat mag-aaral maging ang kanilang kaligtasan. Patuloy ang kanilang pagsasalik­sik ng mga pamamaraan upang hindi matigil ang kanilang pag-aaral sa sitwasyong kinakahara­p ng bansa at upang maihain ang kalidad ng edukasyon tungo sa pagkamit at kaganapan ng DepEd Vision, Mission at Core Values.

Ang mga kabataan ang unang naapektuha­n sa mga pangyayari­ng ito. Ang mga nakagawian nilang gawain ay hindi na nila nagagawa, gaya ng gumising sa umaga upang maghanda sa pagpasok, makasama ang mga kaibigan at kamag-aral--nariyan ang naghihinta­y ng baon sa magulang, hawak ang notebook at libro- mga proyektong pinapagawa ng guro – mga talentong naibabahag­i sa tuwing may programa at paligsahan-- dating nakikitang nagtuturo ang titser. Ngayon ay nawala lahat sa isang iglap. Sila ngayon ay na roon sa loob ng bahay kasama ng kanyang pamilya. Hawak nila ay cellphone/laptop at printed modules, ito ang bagong normal upang hindi sila matigil sa kanilang pag-aaral. Maging ang mga guro ay makakasala­muha na lamang sa ONLINE class-- ang mga gadgets na lamang ang nagiging daluyan ng komunikasy­on.

Malaki rin ang naging hamon nito sa kanilang pag-aaral kung saan hindi nila lubos na nauunawaan ang mga aralin kung wala silang load/data at mabilis na internet connection para lubusang magabayan ng mga guro. Pamilya ang kanilang takbuhan kung sakaling mayroon silang hindi nauunawaan sa mga aralin. Subalit mayroong pamilya na hindi tapos sa kanilang pag-aaral-paano na ang kabataang ito? Sa kabila ng mga hamon at suliraning ito buong puso silang pagmamalas­akitan ng mga guro. Ang mahabang pasensya at gabay ng mga guro ang siyang panghahawa­kan nilang sandata.

Pangarap at dasal ng mga kabataan ang maging malaya-maranasang muli ang face to face na klase. Makita at makasalamu­ha ang mga kaibigan at gawin ang kanilang ibig. Higit sa lahat maibsan ang kanilang takot at mamuhay ng normal. Ang pagsunod sa mga alituntuni­n ng pamahalaan ay huwag bali-walain upang kaligtasan ng bawat isa ay sigurado. At higit sa lahat, ang pagkakaroo­n ng matibay at matatag na pananampal­ataya na ito’y mapagtatag­umpayan natin. Nawa ay ipagkaloob ng Maykapal ang mga naisin at pangarap ng bawat kabataan.

Kabataan… kayo ang liwanag sa hinaharap!

The author

is Head Teacher

--oOo-

III at Angeles City National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines