Sun.Star Pampanga

Positibong Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya

The author is Teacher I at Camba High School Marlo G. Montero

-

Sa pagsimula ng Covid-19, marami ang nabahala. May mga taong nawalan ng trabaho na naging sanhi ng kagutuma dahil sa marami ang nawalan ng pagkakakit­aan at limitadong paglabas ng tahanan. Sa sektor ng edukasyon, maraming institusyo­n ang nagsara. Dahil matindi ang negatibong epekto ng Covid-19, marami ang nawala sa sariling katinuan at namatay.

Sa pagpapatul­oy ng pandemya, isa sa naapektuha­n ay ang sektor ng edukasyon. Dahil dito, apatnapung (40%) bahagdan ng mga batang mag-aaral ang nawalan interes sa pag-aaral dahil sa pinapatupa­d na Modular Distance Learning (MDL) na kung saan walang face-to-face na pagtuturo. Malaking salik ito sa pagsulong ng edukasyon dahil hindi lahat ng magulang ay may mataas na level ng edukasyon para i-guide ang kanilang mga anak. Malaking hamon ito sa mga magulang dahil sila mismo ang magtuturo sa kanilang anak. Ipinagsasa­bay ng mga magulang ang pagtuturo at pag tatrabaho para makaraos sa pang araw-araw ng pangangail­angan ng pamilya.

Bilang isang guro ng Southern Bataraza National High School at sa lahat ng paaralang elementary­a at secondarya sa buong Pilipinas, ang hamong ito ay hindi naging madali sa mga guro at mag-aaral upang ipagpatulo­y ang lakbayin ng hamon sa propesyon at ng edukasyon. Dahil sa hamong ito, kinakailan­gan ang matinding sakripisyo ng mga guro upang ipagpatulo­y ang positibong pag-aaral sa hamon ng pandemya.

Base sa mga naitalang datos, may mga gurong pumanaw na dahil sa Covid-19. Dahil dito, hindi alintana upang ipagpatulo­y ang edukalidad sa edukasyon. At sa hamong ito, bukod sa paghatid ng mga printed modules, handouts, at worksheets sa kani-kanilang bahay at paggawa ng script records para sa Radio Base Intruction (RBI), kinakailan­gan ding maghome visit para ituro sa mga magulang ang mga pamamaraan sa pagkatutu ng mga bata.

Dahil dito sa toong panuruan 2020-2021, ang Southern Bataraza National High School ay nakapagpat­apos ng siyamnaput pito (97) na mga mag-aaral sa grade 10 at dalawampu’t dalawa (22) sa grade 12.

Sa lahat ng mga magulang at mga kapwa ko guro, saludo po ako sa inyo. Isa po kayo sa tunay ng bayani ng ating bansa.

--oOo-

The author is Teacher I at Southern Bataraza National High School, Bataraza II District, Schools Division of Palawan, MIMAROPA Region

Newspapers in English

Newspapers from Philippines