Sun.Star Pampanga

Dapat sagutin ng mga bangko ang nababawas na cash sa ATMs

-

Saraw

imula nitong unang

ng Disyembre maraming kababayan natin ang nagrerekla­mo sa mga Automatic Tellering Machines (ATMs).

Parang naging holdaper na rin daw ang mga ATMs dahil nababawasa­n ang kanilang pera.

Sabi nga nila hi-tech rin ang mga holdaper dahil mismong sa ATMs sila nakakakuli­mbat ng cash.

Sa Metro Manila hindi na mabilang ang holder ng ATM car ds ang nagrerekla­mo dahil pag-withdraw nila ay halos nawawala o nananakaw ang kalahati ng kanilang cash.

Ganito din ang nangyayri sa money transfer nakukuha o nababawasa­n ang kanilang cash.

Dito sa City of San Fernando, marami na rin ATM card holders ang nakarating sa Dateline na kung saan nababawasa­n ng halos P3K o P4K ang kanilang cash.

Hindi nila malaman kung kanino o saan sila dudulog upang magreklamo sa nawawala nilang cash.

Kung mga hackers ang mga kumukuha ng cash, bakit hindi nila inuubus ito?

Nagtatanon­g lang po...

Hindi naman siguro mga "insiders" ang gumagawa ng iligal, tanong ng mga ATM holders.

Dapat lamang na mga bangko ang magbabayad sa mga nawawalang cash ng mga ATM holders, di po ba?

Itinaon pa naman magpa-Pasko ang pagkabawas ng cash sa mga ATMs.

Mga bangko, umaksyon naman kayo. Huwag po kayo tutulog sa pansitan. Aksyon agad...

Grabeng trapik sa Barangay Panipuan CSFP Kahit saan ka dumaan nitong nalalapit ng Pasko, sobrang trapik ang iyong nararanasa­n.

Dito lang sa MacArthur highway, mula sa bahagi ng St. Jude sa Barangay Dolores hanggang sa Barangay Sindalan, sobrang trapik ang inyong mararanasa­n.

Lalo na kapag rush-hour na kung saan sabay sabay ang uwian ng mga nagtatraba­ho na pawang mayroon mga sasakyan.

Nagsisimul­a ang sobrang trapik sa traffic light sa Barangay Maimpis at pagkatapos sa traffic light ng Barangay Del Rosario. Ang traffic light sa Del Rosario matagal bago ito mag-go

kaya naman ang mga behikulo ay naiiipon dito. Sa Barangay Saguin medyo ok pa ang trapik dito medyo mabilis ang stop and go... Subalit sa Del Rosario sobrang tagal.

At nang magbukas ang Global City sa Barangay Panipuan nitong nakaraan araw , grabeng trapik ang mararanasa­n mo dito. Usad pagong ang mga sasakyan dito.

Lalong nagiging grabe ang trapik sa mga sumisingit na mga drayber sa gilid ng kalsada.

Kaya nananawaga­n ang mga motorista kay Louie Clemente, chief ng POSCO na maglagay ito ng traffic enforcers dahil upang mangasiwa sa trapik doon.

Nagkanya-kanya ang mga motorista sa paglusut sa grabeng trapik doon.

Chief Clemente, inaasahan ng mga motoristan­g dumadaan sa Panipuan na maglagay kayo ng traffic enforcers para mabawasan ang grabeng trapik.

Bumabati po sa inyo ang Dateline ng Maligayang Pasko sa inyong lahat!

 ?? ??
 ?? ??
 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines