Sun.Star Pampanga

New Normal

-

Isang taon na ang nakalipas mula nang magsimula ang pandemya. Marami na ang nagbago sa ating kapaligira­n. Limitado na ang bawat galaw at lugar na mapupuntah­an. Ang mga tao ay napilitang magtrabaho sa kani-kanilang mga tahanan ( wor k-fr om-home) .

Nagkaroon rin ng distance learning sa lahat ng paaralan kaya’t ang mga magulang ang nagsilbing guro ng kanilang mga anak, mapa-modyular o online class, maipagpatu­loy lamang ang kanilang edukasyon. Sa tuwing lalabas ng bahay, kailangan ay may suot na face mask upang maiwasan na mahawaan ng virus. Ito na ang itinuturin­g na new normal ng kasalukuya­n.

Ayon sa Lenovo global study, 87-porsyento ng mga empleyado sa iba’t ibang kumpanya ang nagsimula nang magtrabaho sa kani-kanilang mga tahanan dahil ito ang ini-atas ng kanilang mga employer.

Apat na pu’t anim na porsyento sa mga ito ang nahikayat na sa kanilang tahanan na lamang magtrabaho samantalan­g 26 na porsyento naman ang mga napilitang lumipat sa kanilang mga tahanan upang doon magtrabaho, ito’y alinsunod rin sa protokol ng ating bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kasabay naman nito ang pag anunsyo ng DepEd at CHED na magkakaroo­n ng distance learning sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. Dahil sa pagkakaroo­n ng distance learning, mayroong mga mag-aaral ang nahihirapa­n sa kanilang pag-aaral, lalo na ang mga mag-aaral na ang mode ng kanilang pagkatuto ay modyular.

Sa kabilang banda, naging pabor naman sa ibang mag-aaral ang ganitong set-up dahil mas madali para sa kanila ang matuto at malaya nilang nahahawaka­n ang kanilang mga oras.

Sa sektor naman ng transporta­syon, naglunsad ang DOTr ng mga protokol hinggil sa pagkakaroo­n ng ligtas na transporta­syon sa mga pampubliko­ng sasakyan. Ayon dito, 50-porsyento ng kapasidad sa bawat sasakyan lamang ang maaaring sumakay dito. Kailangan ay sumusunod din sa protokol ang mga pasahero at driber ng mga pampubliko­ng sasakyan upang makaiwas sa pagkalat ng nakakahawa­ng sakit.

Bagamat maraming pagsubok ang pinaranas sa atin ng pandemya sa mga nagdaang taon, unti-unti na tayong nakakasaba­y sa mga pagbabago. Mga pagbabagon­g nagiging normal na sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

Hinubog na tayo ng panahon, kaya naman mananatili tayong malakas at matatag hanggang sa hinaharap.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines