Sun.Star Pampanga

Tell it to Sun•Star!

-

LALO pang pinalakas ang ‘stakeholde­r engagement’ ng Air Logistics Command (ALC), Philippine Air Force, Air Force City, Clark Air Base, Pampanga nang isagawa ang "Civic Action with The Heroes", isang ‘Outreach Activity’ sa tatlong lugar na beneficiar­ies nila, kamakailan. Ito ay itinaon sa Araw ng Kabayaniha­n ni Gat Andres Bonifacio bilang paggunita ng kaniyang sakripisyo sa bayan at sa mga buhay na bayaning sundalong Pilipino.

Adhikain ng ALC na palakasin ang kampanya ng National Task Force for Ending Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng gobyerno gamit ang ‘convergenc­e efforts’ ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.

Sa pahayag ni Major Arvin Gundran PAF, ACCS-7, ALC, kabilang sa ginawa ng grupo ang ‘Orphanage Outreach Activity’sa Send the Light Foundation, Barangay Dapdap, Mabalacat City; ang ‘Treeplanti­ng activity’sa Watershed ng Barangay Sapang Bato at ang School Outreach Activity sa Barangay Sapalibuta­d, Angel es Ci t y. Nagi ng tagapangas­iwa ng mga aktibidad sa mga nabanggit na lugar sina Eagle Eric Dagdag (Angeles City LGU), Eagle Noel Lebre (Mabalacat City LGU), Eagle Michael Goloya (Angeles City LGU) at Aurora Davis. Dagdag na sumuporta dito ang Clark Metro Eagles Club, Clark Metro Lady Eagles Club at ang Psalm One Victory Foundation. Dagdag pa niya, “Mahigit 50 na mga batang ulila at 300 na mga elementary students ang mga naging benepisyar­yo ng naturang outreach activity,” ayon kay Gundran.

Misyon ng CMO, ALC sa tulong ng mga nabanggit na stakeholde­rs partners na maging aktibong parte ng ‘mainstream government’ang magkasanib na ‘socio-civic actions’ng iba’t-ibang sektor. Nakikita na ngayon na tulongtulo­ng ang lahat ng government line agencies sa pamamagita­n ng ‘whole of nation approach’ gamit ang boluntaryo­ng pagkilos.

Ito rin ang linya ng NTFELCAC para pasinungal­ingan ang doktrina ng insurgency na walang ginagawa ang gobyerno para sa ordinaryon­g tao. Dagdag ni Gundran, “gusto namin na ang mga vulnerable sectors tulad ng mga kabataan sa ating komunidad ay mahaplos sa kalinga ng ating gobyerno sa paghahatid ng mga serbisyong publiko lalo na sa panahon ng pandemya". ( PAF)

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines