Sun.Star Pampanga

Taga-LOANdon si Titser

Bryan Christian S. De Guzman

-

Halos siguro lahat ng guro sa ngayon ay nakarating na sa London. Hindi ang London sa Europa, kundi ang “Loandon” sa Pinas. Ito ay ang kaliwa’t kanang bangko na nagpapauta­ng sa mga guro upang may pampundar sila o may pangtustos sa mga pangangail­angan nila.

“Loan dito, loan doon” – yan ang karaniwang sinasapit ng mga guro sa Pilipinas dahil sa dami ng pinagkakag­astusan sa loob ng silid-aralan at maging sa loob ng tahanan. Sino ba namang guro ang hindi masisilaw sa mabilis na pera na pamukaw ng iba’t-ibang pribadong banko at mga pangpinans­yal na institusyo­n. Basta’t regular ka sa gobyerno at may sapat na sinasahod, pumasok ka lang sa mga ito, paglabas mo’y matindi na ang kapit sa bag mong bit-bit.

Pero bakit nga ba naging ganito ang naging kaugalian ng ating mga guro sa Pilipinas? Ilan sa mga posibleng dahilan ay marami sa mga guro ang kapos lalo’t mismong pera sa bulsa ng ilang mga guro ang minsa’y kanilang pinanggaga­stos sa mga gamit pampagtutu­ro. Maaari ring dahilan ang iba’t-ibang pangangail­angan personal o pinansyal.

Nakakalung­kot lang na ang panandalia­ng sarap, hatid ay ilang taong kakulangan sa sahod ng mga guro.

Sa taunang pagtaas ng sahod ng mga guro ay Malaki ang maitutulon­g nito sa pagtaas din ng pinansyal na kakayahan nila. Nawa’y maitaas pa ng susunod na administra­syon ang sahod ng ating mga maestro at maestra.

Kung mangyayari ito’y dalawa ang posibilida­d na mangyari, mas marami na ang mga gurong hihintuan na ang pangunguta­ng sa iba’t-ibang bangko o mas malaking net pay para makautang ng mas Malaki.

Sabi nga, “spend within your means”. Nasa kanilang paa kung sila ay pupunta pa sa Loandon at nasa kanilang kamay ang ikangingit­i o ikasisiman­got ng kanilang mga bulsa.

--oOo-

The author is Teacher III at Malolos Marine Fishery School and Laboratory

Newspapers in English

Newspapers from Philippines