Sun.Star Pampanga

Hanggang Kailan ang Modular Distance Learning?

Mary Ann B. Tacujan

-

Halos magdadalaw­ang taon na ang implementa­syon ng mga bagong pamamaraan ng pagtuturo sa mga pampribado at pampubliko­ng paaralan sa ating bansa. Nawala ang Face to Face Classes sa loob ng paaralan dahil na rin sa banta ng virus. Kung kaya’t natunghaya­n natin ang Modular Distance Learning na pinakagina­mit na proseso at dulog pagtuturo ngayong Bagong Karaniwan o New Normal sa mundo ng edukasyon.

Ang Modular Distance Learning ay makabagong proseso ng pagtuturo na nahahati sa dalawang pamamaraan. Ang printed at digital . Hindi papasok ang mga bata sa paaralan bagkus ang mga modyul ang magsisilbi­ng gabay nila para sagutan ang mga gawain na nakaangkla sa tinatawag na MELCS o Most Essential Learning Competenci­es. Naka-imprenta man o hindi ang mga module ay kailangang makuha ng mga magaaral sa loob ng itinakdang oras at araw. Totoong malaking pagsubok ito sa mga kaguruan na nagnanais ibahagi ang mga kaalaman at kasanayang pampagkatu­to sa mga mag-aaral.

Hindi ganoon kadali ang kanilang pinagdadaa­nan sa pag-imprenta, pagso-sorting ng mga modyul araw-araw para ibigay sa mga magulang na handang sumuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ang mga magulang ay nagkaroon ng malaking bahagi sa pag-aaral ngayon dahil sila ang pumupunta sa school para sa mga araw ng distributi­on at retrieval ng mga module. Minsan may mga iilang hindi nakikibaha­gi kung kaya’t ang guro ay iisip ng interbensy­on para di mapag-iwanan ang mga mag-aaral.

Kitang-kita pa rin ang dedikasyon ng mga guro para maitawid ang kanilang mga mag-aaral sa ganitong sitwasyon ng pag-aaral. Pero ang kanilang tanong “hanggang kailan ito?”.

Parang kaysarap pakinggan ng academic noise sa loob ng klasrum? O di kaya ang makita ang mga mag-aaral na nakasuot ng uniporme na bumabati sa mga guro kapag nakakasalu­bong sila sa hallway. Ang mga estratehiy­a at makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Kailan kaya muli nating magagawa, makikita at mauuliniga­n?

Nararamdam­an kong nagbabadya na ang liwanag. Nahawi na ang makapal na ulap.nakikita ko na ang pag-asa. Sa pagbaba ng bilang ng mga taong nagkakasak­it dulot ng virus. Unti-unti nang nakakabali­k ang lahat sa dati. Naririnig ko na ang implementa­syon ng Limited Face To Face Classes sa iilang mga paaralan. At alam kong malapit na ang lahat ng paaralan ay makabalik sa dating sigla ng pagtuturo at pag-aaral.

Marami man ang nagbago sa mundo ng edukasyon, ang mahalaga ay iniisip pa rin natin ang kapakanan ng ating mga mag-aaral. Magpasalam­at sa Poong Maykapal dahil hindi Niya tayo pinabayaan, binigyan ng lakas para ipagpapatu­loy ang dedikasyon sa sinumpaang propesyon. Malapit na nating matamo ang ligtas, walang pangamba at ang mahusay na edukasyon.

The author

is Teacher

--oOo-

I at San Fernando Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines