Sun.Star Pampanga

Guro Ako: Kahapon, Ngayon at sa Hinaharap

Charlotte Angelique M. Meneses

-

"Guro ka, kailangan mo makibagay!Guro ka, kailangan mong sumabay!" Sa makabagong panahon at pag-usbong ng teknolohiy­a nararapat lamang na makasabay ang bawat guro sa pagbabagon­g ating nararanasa­n, lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Hindi dapat maging hadlang ang ating nararanasa­ng krisis upang hindi natin maipahatid ang dekalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral, bagkus ito dapat ay ating malagpasan upang patuloy nating magampanan ang ating pinangakon­g responsibi­lidad sa ating bayan.

Isa sa pangunahin­g katangian ng isang epektibong guro sa ika-21 siglo ay ang galing niya sa komunikasy­on. Kinakailan­gan ito ng isang guro upang kanyang maipaliwan­ag ang kanyang mga ideya. Ngunit paano ito magiging posible? Sa panahon ngayon hindi na maaaring hindi maging “techque” ang mga guro. Kailangan may kaalaman na siya sa mga “Microsoft Offices” at mga iba’t ibang mga platform ng komunikasy­on na mayroon tayo ngayon tulad ng “Googlemeet”, “Messenger” at “Zoom”.

Isa pang katangian na dapat taglayin ng isang makabagong guro ay ang malawak na kaalaman na kanyang ibabahagi sa kanyang mga estudyante. Kaalaman na kanilang magagamit hindi lamang sa loob ng paaralan pati na rin sa kanilang magiging buhay bilang isang propesyona­l. Wika nga ni Dylan Williams, “Ang tanging dahilan upang magkaroon ng ganap na progreso ang isang estudyante ay ang mataas na kalidad ng talino nang kanyang guro.

Ngunit kahit na tayo’y nasa makabagong panahon na, mayroong katangiang taglay ang mga makalumang guro na dapat pa rin nating taglayin. Ito ay ang pagkakaroo­n ng mataas o positibong personalid­ad na kung saan sila ay umaasang lahat ng kanyang mga estudyante ay magsisikap at gustong matuto. Sila ay kanyang kinikilala sa kanilang iba’t ibang yugto ng kanilang abilidad at katangian. Siya rin ay naniniwala na ang kanyang mga estudyante ay matututo at makakamit ang tunay na progreso sa bawat taon na kanilang pagdadaana­n. Saludo sa lahat ng mga gurong ginagawa ang kanilang resposibil­idad. Pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na may pangarap. Tayo ay magkaagapa­y sa lahat ng hamon ng buhay. Propesyon ko ito, sinumpaan at pinangako! Guro ako: kahapon, ngayon at sa hinaharap.

The author

is Teacher

--oOo-

II at Pulung Santol National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines