Sun.Star Pampanga

MGA PAGHAHANDA SA IMPLEMENTA­SYON NG HARAPANG PAGKAKLASE

Maureen L. Badulid

-

Naumpisaha­n na ang limitadong harapang pag kaklase o limited face to face sa ilang mga pampubliko­ng mga paaralan sa Pampanga. Bawat guro ay abala sa paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga batang mag – aaral. Isang magandang adhikain ang maging ligtas ang pagbabalik ng mga mag – aaral sa paaralan. Layunin ng paghahanda ang mabigyan lahat ng mga mahahalaga­ng tungkulin ang mga guro sa pagtiyak ng ligtas na pagtuturo sa darating na harapang pagkaklase. Sa oras na maaprubaha­n ang mga paaralan sa limited face to face, malaking tulong sa mga mag – aaral ang gawaing ito sa kanilang sariling pagkatuto. Maliban dito, lalo pa nilang mapapaunla­d ang kanilang kakayahan sa pagkatuto sa ibat – ibang asignatura.

Bilang isang guro, ninanais ko na mabigyan ng magandang kinabukasa­n ang mga mag – aaral bagamat may pandemya parin sa ating bansa. Kaugnay ng mithiing ito ang paghahanda sa implementa­syon ng harapang pagkaklase sa aming paaralan. Sa kasalukuya­n, pinangunah­an ng aming punungguro ang pagpapatup­ad ng mga programa at proyekto na makatutulo­ng sa implementa­syon ng harapang pagkaklase. Kabilang sa mga paghahanda ng aming paaralan ay ang paglilinis sa mga silid – aralan, paglalagay ng mga signages sa loob at labas ng mga silid – aralan upang mapanatili ang pagsusuot ng mga face mask, at pagpapanat­ili sa social distancing ng mga mag – aaral at mga magulang na bumibisita sa paaralan. Ang paglalagay ng mga thermal scanner upang matiyak na walang sintomas ng anumang lagnat ang sinumang papasok sa paaralan at paglalagay ng mga hand sanitizer o alcohol sa harapan ng mga silid – aralan ay kabilang rin sa mga kailangang ihanda ng paaralan. Kinakailan­gan din na maglagay ng mga reserbang face mask sa loob ng silid – aralan upang magamit sa oras na kailangan ng mga mag – aaral at magulang. Bukod dito, kailangan din na maghanda ng mga basurahan para sa nabubulok, di nabubulok at lalagyan para sa mga pinaggamit­ang mga facemask at iba bang PPE (Personal Protective Equipment).

Malaking bahagi ang ginagampan­an ng bawat guro sa pagpapaunl­ad ng pagkatuto ng mga mag – aaral lalo na ngayong panahon ng pandemya. Isa sa mga mahalagang gampanin ng mga guro ang pagbibigay paalala hindi lamang sa mga magulang kundi pati na rin sa mga mag – aaral na patuloy parin ang pag –iingat kahit sila ay bakunado na. Para sa lahat ng mga magulang na pumayag sa limitadong harapang pagkaklase, kayo po ay hinikikaya­t na maging kabahagi ng ating paaralan sa pagbibigay ng matiwasay, mapayapa at maunlad na pag – aaral ng inyong mga anak. Ikaw na magulang, at ako na guro ay makiisa sa tagumpay at kaligtasan ng bawat bata. Abutin natin ang mga pangarap ng bawat batang Pilipino! Sulong mga mag – aaral, sulong para sa edukasyon!

The author

is Teacher

--oOo-

III at Sta. Barbara Elementary School Pampanga

- Bulaon, Division of

Newspapers in English

Newspapers from Philippines