“Pagtuturo Gamit ang mga Klasikong Metodo”
Charlotte Angelique M. Meneses
Bago pa man naging makabago ang estilo ng pagtuturo ng mga ika-21 siglo na mga guro, mayroon ng metodong ginamit noong ika-19 na siglo. Mga klasikong metodo na naging palasak sa tawag na “Pamaraang Grammar Translation” na naging epektibo sa kanilang mga tinuturo. Mga iba’t-ibang pamaraan ang kanilang ginamit upang estudyante nila ay mahubog ng husto at magamit ang kanilang kaalaman sa kanilang buong pagkatao.
Unang metodo na umusbong ay ang “Series Method” na pinasikat ni Gouin. Ayon sa metodong nabanggit, ang pagtuturo daw dapat ng wika ay tuwiran, walang pagsasalin at magkakaugnay na pangungusap ang inilalahad sa isang konsepto na madaling maunawaan ng mag-aaral. Ang pamamaraang ito ay naniniwala sa kaisipang, “Ang pagkatuto ng wika ay ang transportasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto ng madaling maintindihan”. Sunod ay ang “Pamaraang Audiolingual (ALM)” na batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik. Ito ay inilalahad sa dayalog ng mga bagong aralin. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggaya, pagsasaulo ng mga parirala at paulit-ulit na pagsasanay. Noong Dekada ’70 naman naging makahulugan ang pagtuturo ng wika dahil sumigla ang mga pagkatuto ng wika sa loob at labas ng silid-aralan at nabuo ang ilang inobasyon na paraan sa pagtuturo. Sumikat ang mga “Designer Methods”, na kung saan ibinahagi ito sa maraming guro bilang pinakabago at pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik pangwika. Unang metodo na napabilang sa “Designer Method ay ang “Community Language Learning” na kung saan ito ay nababatay sa domeyn na pandamdamin. Sunod ay ang “Suggestopedia”, mula sa paniniwala ni George Lozanov, isang sikologong Burgarian. Ayon sa kanya, ang utak daw ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa pagkatuto. Pinanghahawakan naman ng pamamaraang “Silent Way” ang mabisang pagkatuto kung ipapaubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto. Dahil ayon kina Richards at Rogers, mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas o lilikha ng mga sariling Gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano ang natutuhan. Kabiliang din ang “Total Physical Response (TPR) sa mga metodo ng “Designer Method” na dinivelop ni John Asher noong 1977. Ang pamaraang ito ay hinango sa mula sa ilang pamamaraan ni Gouin. At ang pinakahuli ay ang “Natural Approach” na bunga sa pananaw ni Krashen at dinivelop ni Tracy Ternel. Naniniwala sila na kailangang komportable at relaks ang mga mag-aaral sa isang klasrum na pangwika. Nakikita rin nila ang pagsasangtabi muna ng pagsasalita sa wikang pinag-aaralan hanggang sa sumapit ang panahong naroon ang intensyon at pagkukusa sa pagsasalita.
Ang mga sinaunang metodo ay masasabing naging mabisa at epektibo dahil na rin sa mga ebidensya na maraming mag-aaral ang natuto at kinalaunan ay kanilang nagamit upang sila ay maging matagumpay sa kanilang mga napiling pamumuhay at propesyon. Kaya hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga klasikong metodo ay nagagamit pa rin sa ating pagtuturo sa ating mga mag-aaral.
The author
is Teacher
--oOo-
II at Pulung Santol National High School