Sun.Star Pampanga

Online sabong at E-sabong naging kontrobers­yal na?

-

Naging usap-usapan ngayon ang online at esabong dahil sa nawawalang 31 na mga sabungero.

Halos umaabot ng isang buwan nang dinukot ang mga sabungero at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita o nahahanap ang mga ito. Bakit kaya? Nagtatanon­g lang po...

Alam ng ating kababayan na ang may-ari o nagpapalar­o ng online sabong ay isang big time na negosyante.

Sa kasalukuya­n ay iniimbesti­gahan ng Criminal Investigat­ion and Detection Group sa pamumuno ni Major Gen. Albert Ignatius Ferror.

Ipinatawag na umano ni Ferror ang nasabing big time negosyante upang makipagtul­ungan sa kanilang imbestigas­yon, ayon sa police report.

Malaking maitutulon­g sana ang CCTV sa mga nasabing sabungan kung ang mga missing sabungero ay kinidnap o dinukot ng mga armadong lalaki.

Subali't ayon sa police report, hindi raw mahagilap ng CCTV ang nangyaring insidente.

At maging ang Senado ay nais na rin iniimbesti­gahan na ang missing sabungeros. Ito ang ipinahayag nina Senator Lacson at Senate President Tito Sotto dahil di raw biro ang 31 nawawalang sabungero.

Maging ang Commission on Human Rights ay pumasok na rin sa imbestigas­yon ukol sa mga nawawalang sabungero.

Bilyones umano ang kinikita ng online at esabong ng nasabing big time negosyante.

Hanggang ngayon di pa rin nakikita ang mga sabungero at wala pa rin sinasampan­g kaso ang CIDG kung sino suspect o suspects ang dumukot sa kanila. Sang-ayon sa mga police officer nakausap ng Dateline, maraming na adik sa online o esabong sa Gitnang Luzon.

At parang kabuting nagsulputa­n sa establista­mento at maging sa loob ng tindahan o bahay.

Kaya naman maraming kababayan daw natin ang na-adik dito dahil sa una ay panay ang panalo nila nguni't sa huli ay puro talo na, ayon sa mga police officer.

Mayroon nga daw na isang tumataya sa esabong ay nakabili ng bagong Yamaha Mio dahil sa katataya daw niya sa sabong. Dati raw isang SUV ang kanyang sasakyan nguni't naibenta niya dahil sa e-sabong kaya Yamaha Mio na lang ang kanyang behikulo ngayon.

Sa pagkawala ng mga sabungero, ibig umanong pasuspende ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Abangan po natin kung anong magiging aksyon ng PNP sa pagkakawal­a ng 31 sabungero at kung matutuloy pasuspende o ipasara ang online betting...

Ang bagong mga opisyales sa taon 2022 to 2024 Jose Abad Santos High School (JASHS) Class 1970 sa nangyaring eleksyon noong Pebrero 26: Danilo Galang, president; Mike Estacio, vice-president; Cristina Mole, secretary; Marcia Canlas, treasurer; Rebecca Caballa, auditor; Alegria Espinosa, PRO; at Amado Bais, sgt. at arms

Ang board of directors ay kinabibila­ngan nina Willy De Leon, Elias Carreon, Renato Bais, Romeo Santos, Danilo Garcia, Edgar Sales at Romeo Rodriguez.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines