Sun.Star Pampanga

Dagok at Solusyon sa Gitna ng Pandemya: Pag-aaral mula sa Bahay

Liezl M. Pactao-in

-

Ang edukasyon ang gabay para sa ating tagumpay. Ito ang laging naririnig sa mga matatanda, nababasa sa libro o kaya na obserbahan sa karamihan. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, umusbong ang isang hindi pangkarani­wang sakit na humantong sa isang pandemya. Nagdulot ito ng pagkabahal­a at takot sa mga tao, at nagdulot din ng malaking epekto sa ating lipunan, kalusugan at higit lalo sa edukasyon.

Bago pa man ang Covid-19 ay ramdam na ang paghihirap sa pag-aaral sa ating bansa. Sa pagdating ng pandemyang ito, nagbago ang pag-aaral ng mga bata na dapat ay nasa paaralan ngayon ay sa bahay na lamang isinagawa. Ito rin ay malaking problema para sa magulang sapagkat may mga gawain rin sila na ginagawa sa bahay at ang iba naman ay abala sa paghahanap-buhay kung kaya’t hindi nila natutukan ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Sa kabilang banda, hindi lamang ang mga mag-aaral at magulang ang nahihirapa­n sa sitwasyon ngayon. Maging ang mga guro ay nahihirapa­n din dahil sa karagdagan­g gawain katulad ng paggawa ng mga modyul at pagsubayba­y sa pag-unlad ng mga mag-aaral. Masakit isipin ang katotohana­n na maraming mga bata ang mapagiiwan­an at hindi lubusan makapag-aral nang maayos. Bagaman nakakalung­kot, hindi ito ang panahon para huminto sa pag-aaral.

Sa kasalukuya­n, patuloy ang paghahanda ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa pagharap sa nalalapit na pasukan sa pamamagita­n ng pagsasagaw­a ng mga workshops, at trainings partikular na sa mga isasagawan­g Learning Delivery Modalities tulad ng Distance Learning at Blended Learning.

Sa kabila ng banta ng pandemya ay marami pa rin ang nangangara­p na mga estudyante na balang araw ay maibalik na sa dating pisikal ang pag-aaral. Tumaas ang pag-asa ng karamihan na muling makadalo sa pisikal na klase kasabay ng pagtaas ng mga nabakunaha­ng guro at mag-aaral. Mas magiging posible ang pagsisimul­a ng face-to-face classes at magiging ligtas muli ang pagpasok sa paaralan.

Ang muling pagbubukas ng pisikal na klase ay isa ring hakbang ng bansa para sa pagbangon mula sa pandemyang ito. Sa panahon ng pandemya, ang pagsisikap na makapagbig­ay ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino sa gitna ng ating nararanasa­n ay mahalagang isaalang-alang habang pinapanati­li ang kaligtasan at kalusugan ng mga guro at mag-aaral.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher-III at Igpit National High School, Schools Division of Digos City, Region XI-Davao Region

Newspapers in English

Newspapers from Philippines