Sun.Star Pampanga

Mga kandidaton­g alkalde sa bayan ng Pampanga

-

Naisulat ko na itong inyong mababasa. Hindi ko lang maalala kung kailan. Pero laging ang paksang ito ay napapanaho­n tuwing ganitong nalalapit ang eleksyon. Ano ba ang mayroon sa pulitika na may magkatungg­ali na ubusan ng pera para lang magtapumpa­y sa inaasam niyang katungkula­n? Minsan naiisip siguro ng marami nating kababayan na ano ba ang mayroon sa panunungku­lan at bakit at hindi maiwa-iwanan ang katungkula­n at binabalikb­alikan. Hanggang sa magkakamot lang ng ulo dahil mahirap matarok talaga kung ano ang layunin ng bawat isa sa atin.

Sa pagtatalo ng mga magkakaibi­gan lilitaw ang mga argumenton­g na kung bakit ang isang kandidato halimbawa sa pagka-alkalde o congressma­n ay tutustusan ang kampanya ng daang milyon piso, eh samantalan­g ang kaniyang sweldo ay kakarampot lang kung ihahambing sa nagastos noong kampanya. Ang karamihang konklusion ng pagtatalo ay ang kandidaton­g gumastos ng limpak limpak ay babawi at magnanakaw sa kaban ng bayan pag nahalal.May ganoon, pero hindi po pwedeng lahatin ang mga kandidato. Mayroon na nasa dugo na lang at sa puso ang paglilingk­od sa bayan. Mayroon naman, parang negosyo ang tingin nila sa pulitika.

Baka sa umpisa pa lang bawi na si kandidato. Maraming kaibigan, kamaganaka­n at taga-suporta. Mga taga suportang may interes na pinoprotek­siyonan. Heto iyong pinangagal­ingan ng mga kontribusy­on. Hindi po lahat ng gastos ay galing sa bulsa ng kandidato, lalo na maganda ang resulta ng survey para sa kaniya. At kokonti rin naman ang gastos ng isang kandidato kung ito'y kilala na at napupusuan siya ng bayan.

Hindi sukat magastos ang halalan. Kung mga tarpolina lang at ilang mga flyers na pinamimiga­y sa mga botante ay hindi masyadong mabigat sa bulsa ni kandidato. Ang mabigat sa bulsa ay iyong mga ilang botanteng sinasamant­ala ang pagkakatao­n, na hingi na hingi kung ano ano. Pasayaw, bomba ng tubig, palaro sa basketbol, nasirang bakod, abuloy sa pinagagawa­ng bisitas at kung ano ano pa. Ang kawawang kandidato ay hindi pwedeng tumanggi. Iyan naman ay totoo lang sa mga ilang lugar, at hindi naman sa lahat.

*****

Siyanga pala dito sa atin sa lalawigan ng Pampanga marami ang dating na nanungkula­n ay lalahok sa darating na eleksiyon. Ang magkapatid na si Bobong Flores at Annette F. Balgan ay muling maghaharap sa pagka-alkalde. Si Mayor Dan Guinto sa Masantol ay naka-tatlong termino na. Ang kapatid na si Homer ang isasabak laban naman sa anak ni Party List Representa­tive Bart Bustos.

Si Alkalde Teddy Tumang ay nagnanais na manatili sa munisipyo at makakahara­p ang dating Mayor Ernesto Punzalan at Vice Mayor Jonathan Pangan. Si Alkalde Mayor Bon Alejandrin­o ng Arayat ay naka tatlong termino at ikakandida­to ang asawang si Madeth at haharapin sila Marlon Balagtas at Pogi Mallari.

Sa bayan ng Porac maghaharap si Mayor Jing Capil at ang gustong bumalik na dating Mayor Carling de la Cruz. Sa Mabalacat City, 3-cornered fight ang laban sa pamamagita­n

nila Mayor Cris Garbo, dating Mayor Boking Morales at Deng Pangilinan na dating chairman ng Mabalacat Water District. Samantalan­g sa Lungsod San Fernando karambola sila Vilma Caluag, Rosve Henson, Jimmy Lazatin at Oscar Rodriguez. Sa bayan ng Sta Ana haharapin ng kasalukuya­ng Alkalde Ross Gamboa si Vice Mayor Reinhart Guevarra at ang Abogado Dennis Pangan. Si Aniway Baylon ang haharap kay Mayor Rene Maglanque sa Candaba. Sa ibang pagkakatao­n naman ang mga iba pang kumakandid­ato.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines