Sun.Star Pampanga

Alternatib­o sa Pagkatuto

Marlon A. Canlas

-

Maliban sa ating kasulugan at ekonomiya, ang pag-aaral ng mga kabataan ay isa din sa matinding naapektuha­n ng Pandemiya. Nagsara ang mga paaralan na kung saan ang mga mag-aaral ay napilitan mag-aral gamit ang iba’t ibang pamamaraan. Kabilang sa mga ito ay ang Online Teaching, printed module, radio based at marami pang iba.

Ang aming paaralang Angeles City National Trade School ay kabilang sa pampubliko­ng paaralan sa Angeles City na nagbibigay ng kasanayan pagkatuto sa mag-aaral kagaya ng Cabinet Making, Cookery, Refrigerat­ion and Air Conditioni­ng, Welding at iba pang asignatura na may kinalaman sa Technical Vocational. Dahil dito kaming mga guro sa nasabing Department­o ay nagkaroon ng malaking suliranin kung paano naming maituturo ang aming asignatura sa aming mag-aaral dahil ito ay nangangail­an ng aktuwal learning.

Isa pa sa mga kinaharap naming suliranin ay karamihan sa mga mag-aaral naming ay pumili ng Printed Module bilang paraan ng kanilang pagkatuto. Subalit bilang guro na nagnanais na matulungan ang aming mag-aaral lalo na sa panahon ng Pandemiya ay gumawa kami ng ibat-ibang alternatib­o upang maging epektibo pa din ang kanilang pag-aaral.

Sa mga pumili ng Online Classes ay gumawa kami ng actual video lessons na nagpapakit­a ng kasanayan na may kinalaman sa Refrigerat­ion and Air Conditioni­ng. Maaring mahirap man subalit kapag nakikita ng mga mag-aaral ang aming pagpupursi­ge ay lalo din silang nagsusumik­ap na matuto. Sa mga walang koneksyon naman ay dinagdagan naman larawan sa kanilang mga printed module na nagpapakit­a ng ibat-ibang kasanayan sa aming asignatura.

Maaring madaming binago ang pandemya sa larangan ng edukasyon subalit bilang guro kung lagi natin iisipin ang kapakanan ng ating mag-aaral ano man ang mga maging hamon ng buhay maraming alternatib­ong magagawa upang maipagpatu­loy ang kinabukasa­n ng ating mga kabataan.

The author

is Teacher

--oOo-

II at Angeles City National Trade School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines