Sun.Star Pampanga

Unang araw rally ng mga local candidates: 'Generally peaceful'

-

Noong Biernes ang unang araw ng kampanya ng mga local candidates sa Central Luzon.

At sang-ayon kay Brig. Gen. Mattew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ito'y naging "generally peaceful."

Walang untoward incidents naganap sa unang salbo ng mga local canditates sa rehiyon, ayon pa kay Baccay.

Dalawang linggo bago ang araw ng kampanya ng mga local candidates, pinulong ni Baccay ang lahat ng mga provincial at city directors upang maging alerto ang mga ito.

Maging sa mga motorcade ng mga kadidato ay may mga pulis at sibilyan pulis na nagmomonit­or dito, ayon pa kay Baccay.

Mahigpit din pinababant­ay ng PRO3 ang lalawigan ng Nueva Ecija at Bulacan dahil sa naganap na related elections incidents sa dalawang lalawigan.

Dalawang national at local elections ang nakakaraan ay wala pa naman nangyayari­ng karahasan sa dalawang lalawigan,

At dahil sa unang election period ng mga local candidates sa Central Luzon, lalong hinigpitan ni Brig. Gen. Baccay ang pagsasagaw­a ng PNP checkpoint­s sa pitong lalawigan at dalawang lungsod.

Ipinag-utos nito sa lahat ng mga provincial at city police director na araw at gabi magsagawa ng checkpoint upang matiyak na walang makakaluso­t na mga grupo na maaaring maghasik ng gulo.

Inaasahan ni Baccay na sana walang mangyayari­ng untoward incidents hanggang sa huling araw ng election campaignsa May 7.

Matatandaa­n kamakailan nagsawa ng kanya kanyang Peace Covenant ang mga local government­s sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon.

DFA sa CSFP

Ang hirap kumuha ng appointmen­t sa Department of Foreign Affairs office sa Robinson Starmills.

Ito ang sumbong at reklamo ng ilan nating Overseas Filipino Workers (OFW) na pumupunta sa DAF CSFP na kung saan madaling araw pa lamang nakapila na ang mga ito.

Ang reklamo nila (OFWs) ay tapos na raw ang quota nila ng nasabing araw at pinababali­k na lamang sila kinabukasa­n.

Ang masama nito, pagbalik nila ay ganoon din ang naging sistema hindi sila umaabot sa quota.

Sa on-line appointmen­t naman ng DFA ay sira daw umano.

Karamihan sa mga kumukuha ng appointmen­t ay paalis na ng bansa nguni't dahil sa sistema ng DFA ay hindi sila nakaalis.

Ano ba ang nangyayari sa DFA? Nagtatanon­g lang po...

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines